PCG RETIREES UMAPELA KAUGNAY NG KANILANG PENSYON

NANAWAGAN sa administrasyong Marcos ang Samahan ng mga retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na bigyang pansin ang kanilang mga hinaing.

Giit ng PCG retirees, matagal na silang nanawagan ngunit hanggang ngayon ay walang tumutulong sa kanila kaugnay ng kanilang pensyon.

Hinaing ng PCG retirees, ilang taon na lang ang natitira sa kanilang buhay kaya dapat lang na huwag nang kaltasan ang kanilang pension.

Ayon pa sa kanila, simula Abril 2010 hanggang ngayon ay nagkaroon ng automatic deduction ng kanlang pension at rank demotion simula Hunyo 2017 nagsimula ang pagbawas.

Ang biglang pagbawas umano sa kanilang pension ay walang proper dissemination at konsultasyon.

Giit ng PCG Retirees, pitong taon na silang nagtitiis sa nasabing kaltas sa kanilang monthly pension.

Karamihan sa kanila ay kinakaltasan ng halagang P8,000 – P12,000.00 na malaking bagay na para pandagdag sa kanilang gastusin at pang-gamot.

Paliwanag ni Josefina Romero, representative at asawa ng isa sa mga retiree, panahon ng Duterte Administration nang ipatupad ang Section 18 ng RA 9993 kung saan obligado silang kaltasan sa kanilang pensyon.

Paliwanag nila, taliwas ito sa inilabas na Executice Order No. 475 at 477 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos kung saan nakasaad na walang mababago at walang mababawas sa pensyon na kanilang tinatanggap.

Ayon pa sa PCG retirees, inakyat na rin nila ang kaso sa Korte suprema ngunit nadismis noong July 20,2024 pero hindi pa final and executory dahil naghain pa sila ng mosyon.

Ang huling pag-asa anila ay mag-apela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,at humingi ng hustisya.

Umaasa rin sila na matutulungan sila ng kasalukuyang administrasyon na maresolba ang sinapit na illegal at uncostituional reduction at demotion.

Napag-alaman na karamihan na sa retirees ay mga may kapansanan na at mayroon nang maintenance bukod pa sa maliit na ang natitirang pension na hindi sapat sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. (JOCELYN DOMENDEN) (Photo by ITOHN SON)

295

Related posts

Leave a Comment