PDEA, PDEG TINUTUNTON SOURCE NG 100 KILONG SHABU SA BULACAN

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP)-Police Drug Enforcement Group ang pinagmulan ng nasamsam na mahigit 100 kilo ng crystal meth sa Bulacan.

Ayon kay PNP-PDEG Director Brig. Gen. Edwin Quilates, kanilang inaalam kung may kaugnayan sa tinaguriang “floating shabu” ang na-recover na 103 kilograms ng methamphetamine hydrochloride na nakuha sa ikinasang anti-narcotics operation sa Bantigue Street sa Barangay Bulihan, Plaridel nitong nakalipas na linggo.

“When we opened the package, our investigators who were conducting the inventory said it was still wet. The bag was also wet. Then the packaging was wet. The tea bags had four layers of covering,” ani Quilates.

“We will look into that. We will connect it to the recoveries there in Subic recently. That’s the disposition of our operatives and investigators,” ayon pa sa opisyal
Nabatid na kasama ng isang Pilipino na nadakip ang isang Chinese national na kinilalang si alyas “Lian,” na may seafood store at maliit na restaurant sa Guiguinto, Bulacan.

Una rito, naglunsad ng buy-bust operation ang mga ahente PNP-Drug Enforcement Group sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan noong Sabado ng gabi at dito nakumpiska nila sa dalawang suspek ang mahigit sa 100 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700 milyon.

Ayon sa pulisya, nagpapanggap pa ang Chinese na tindero ng gulay at isda sa iba pang lugar sa Plaridel para hindi mapansin na suma-sideline siya sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Region 3 at Metro Manila.

Itinanggi naman ng mga suspek na sila ay nagbebenta ng ilegal na droga.

Nakakulong na sa PDEG headquarters sa Camp Crame ang mga suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE KABEL RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment