PH-US SUMABAK NA SA MILITARY EXERCISE

NAGSIMULA na ang bilateral military exercise ng Pilipinas at Amerika kahapon.

Ayon sa Philippine Marine Corps (PMC), sinimulan na ang 6th iteration ng kanilang Kamandag exercises katuwang ang US Armed Forces sa Philippine Navy Officers Club sa Taguig City na tatagal hanggang October 14.

Ang PMC-led capacity enhancement training na tinaguriang, “Kaagapay Ng Mga Mandirigma ng Dagat” (KAMANDAG), o “Cooperation of the Warriors of the Sea” ay gaganapin sa ilang lugar sa Luzon.

Sinabi ng PMC na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikiisa bilang observers ang military personnel mula Japan at South Korea.

Layunin ng exercises na pagtibayin pa ang bilateral cooperation at interoperability ng mga tropa sa pagsasagawa ng combined tactical operations para mapaganda ang kapasidad sa special operations, coastal defense capability, humanitarian assistance at disaster response.

Bukod pa ito sa chemical, biological, radiological at nuclear operations.

Ayon kay PMC commandant MGen. Charlton Sean Gaerlan, matutunan ang mga nabanggit ng technique at tactics para ma-develop ang interoperability strategy ng PMC lalo na’t mag-o-operate na ang Marine Corps Operating Concept for Archipelagic Coastal Defense.

Tiwala naman ang PMC na makakasama nila sa ganitong exercise ang iba pang foreign military allies para mapaigting pa ang iba’t ibang military operations. (JESSE KABEL)

135

Related posts

Leave a Comment