MULING inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa sa virtual plenary session ng 39th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang kahandaan ng Pilipinas na tanggapin ang mga refugees mula sa conflict-torn Myanmar.
“We call on all parties to ensure the continued provisions of humanitarian assistance to all–regardless of gender, age, and political color,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang interbensyon, araw ng Martes, Oktubre 26.
“The Philippines will do its part to help those who are caught up in situations beyond their control. Our doors are open to our Rohingya brothers and sisters and other peoples of Myanmar who seek refuge,” diing pahayag ng Pangulo.
Nauna rito, hinikayat naman ng Pangulo ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) “stand with Myanmar”.
Base kasi sa ilang obserbasyon, ang nasabing bansa ay nasa gitna ng tumataas at umiigting na civil war.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang lahat ng partido sa Myanmar na makilahok sa constructive dialogue, giit nito na ang ASEAN Special Envoy ay payagan na bisitahin ang Myanmar sa lalong madaling panahon para makausap ang lahat ng “relevant parties.”
Ang panloob na sigalot sa dating Burma ay naging matinding alalahanin sa mga kalapit bansa nito dahil na rin sa “state’s military clamping down on peaceful protests and killing civilians in the process.” (CHRISTIAN DALE)
158 