PINALALAWAK ng Pilipinas ang ugnayang pang-ekonomiya at kooperasyon nito sa Peru at Papua New Guinea sa pamamagitan ng mga posibleng kasunduan sa paghahanda sa Super El Niño, kalakalan, pangingisda, enerhiya at turismo.
Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay bagong halal na Peruvian President Keiko Fujimori, tinalakay ng dalawang lider ang pagtutulungan sa paghahanda sa inaasahang Super El Niño na maaaring makaapekto sa kanilang mga bansa.
Napag-usapan din ang pagtatatag ng Philippines-Peru Joint Trade Commission upang mapalawak ang kalakalan at oportunidad sa negosyo ng dalawang bansa.
Samantala, sa pakikipagpulong kay Papua New Guinea Prime Minister James Marape, tinalakay ni Marcos ang posibleng pamumuhunan ng mga Pilipino sa sektor ng pangingisda at imprastraktura ng mga daungan.
Kasama rin sa mga napag-usapan ang pagpapalakas ng kooperasyon sa enerhiya at turismo upang higit na mapatatag ang ugnayan ng Pilipinas at Papua New Guinea.
(CHRISTIAN DALE)
33 