POGO PHASEOUT HINDI BIGLAAN – PAOCC

KINOKONSIDERA ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na irekomenda ang unti-unting pag-phase out sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na dapat munang subukan ng gobyerno na unti-unting I-phase out ang mga POGOs bago pa ipatupad ang ganap na pagbabawal o total ban dito.

“So, siguro before we direct ourselves to a discussion on total ban, we could probably revisit discussions of phaseout,” ayon kay Casio.

Giit ni Casio, sakali’t ipatupad na ang pag-phase out sa mga POGOs, mabibigyang-daan nito na ganap na alisin o ipagbawal na ang POGOs sa bansa.

“A gradual phasing out maybe, a transitional mechanism that would lead to the total eradication of these scam farms,” ang paliwanag ni Casio.

Samantala, sinabi ni Casio na 42 POGOs lamang ang legal na nago-operate sa bansa.

Aniya, ang 41 na POGOs ay nasa Kalakhang Maynila habang ang isa naman ay nasa Kawit, Cavite.

Sa kabilang dako, mayroon namang 298 na lisensya ng POGO ang kinansela ng gobyerno. Karamihan sa mga ito ay ilegal na nago-operate sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“So kung mayroon ka sa Northern Luzon, Central Luzon, CALABARZON, Bicol all the way to Mindanao and Central Visayas, ibig sabihin lahat iyon iligal,” ayon kay Casio.

“Out of the 298 [POGOs] that were canceled, mayroon tayong 42 na legally operating. A good number of those 298 are still operating. What does that mean? That even if you totally banned them, you don’t necessarily take them out of the picture,” ang winika ni Casio.

“A good number of them have gone underground,” dagdag na pahayag nito.

Nanawagan naman si Casio sa gobyerno na paigtingin ang pag-aalis sa POGOs dahil sa ilegal na aktibidad na iniuugnay sa industriya. (CHRISTIAN DALE)

188

Related posts

Leave a Comment