POSIBLENG PAG-SUBPOENA KAY VP SARA IPINAUBAYA NG MALACAÑANG SA SENADO

IPINAUBAYA ng Malacañang sa Senado ang magiging desisyon sa kahilingan ng House Prosecution Panel na magpalabas ng subpoena upang pilitin si Vice President Sara Duterte na dumalo sa sarili niyang impeachment trial.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng anunsyo ng prosekusyon nitong Martes na nais nitong hilingin kay VP Sara na dumalo sa pagdinig upang pagtibayin at kumpirmahin ang kanyang “allegation of innocence.”

“Kung ‘yan ang nais ng prosecution at kung papayagan po ito ng Senado, nasa kamay na po ito ng Senado,” ani Castro.

Matatandaang mismong si VP Sara ang nagpahayag umano ng kagustuhan para sa isang “bloodbath” sa gitna ng mga alegasyon laban sa kanya.

Samantala, hihilingin ng House Prosecution Panel ang pagpapalabas ng subpoena kay Vice President Sara Duterte matapos nitong mailatag ang lahat ng apat na artikulo ng impeachment, ayon kay Lead Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan.

Inihayag ito ni Kapunan sa pagsisimula ng ika-23 araw ng impeachment trial nitong Martes, Setyembre 8.

Ayon kay Kapunan, hindi muna hihilingin ng prosekusyon ang agarang pagpapalabas ng subpoena dahil nakatuon pa sila sa paglalahad ng kanilang mga ebidensya.

Sinabi niyang nakatakdang humarap si Duterte sa dulo ng proseso.

(CHRISTIAN DALE)

74

Related posts

Leave a Comment