NAITALA ngayong araw sa lungsod ng Baguio ang isa sa pinakamababang temperatura sa lamig na 10.4 celsius.
Ayon kay weather forecaster Wilson Locando, naitala kaninang madaling araw ang 10.4° Celsius na pinakamababang temperatura ng Baguio mula sa pagpasok ng taon.
Aniya, posible pang maitala ang mas mababang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw o linggo.
Gayunman, inaasahang mas mababa ang temperatura ng ilang bayan sa lalawigan ng Benguet gaya ng Atok, Kibungan, Buguias at sa bayan ng Bauko sa Mt. Province.
Maaalalang sinabi ni Mt. Pulag Protected Area Superintendent Victor Gorinto a naglalaro sa 4-6° Celsius ang naitatalang temperatura sa summit ng ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa.
Naitala ang 6.3° Celsius na lowest temperature sa City of Pines noong January 18, 1961 na sinundan ng 6.7° Celsius noong February 23, 1963 at 6.8° Celsius noong January 8, 1968.
360