MAGKAKAPATID NALUNOD SA ILOG

ANTIQUE – Nalunod ang tatlong menor de edad habang nakaligtas ang isa nilang kapatid habang tumatawid sa ilog sa Brgy. Culyat sa bayan ng Valderrama sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ng Valderama PNP, kinilala ang mga nalunod na sina Maricel Canja, 17; Maria, 15, at Ruben, 11, habang mapalad namang nakaligtas ang trese anyos nilang kapatid na si Victor.

Ayon kay P/Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama PNP, pauwi na ang apat na magkakapatid sa kanilang bahay ngunit habang tumatawid sa ilog ay biglang rumagasa ang malakas na agos ng tubig dahilan upang sabay-sabay silang inanod.

Sinasabing maswerteng nakaligtas si Victor nang matanaw ito ng ilang mga residente na nagtulong-tulong upang maiahon siya sa gilid ng ilog.

Sa kasamaang-palad, bangkay na nang matagpuan ang tatlong biktima sa kabilang barangay. (JESSE KABEL)

85

Related posts

Leave a Comment