MAHIGPIT na binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang mga opisyal at tauhan sa buong SOCKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos) Region na sisibakin ang mga ito sakaling mapatunayang sangkot sa iba’t ibang uri ng investment scam.
Ito ang kinumpirma ni Pol. S/Supt. Raul Supiter, police director ng General Santos City-PNP sa panayam. Ayon kay Supiter, iba-validate ni Albayalde kung sinu-sino ang mga pulis na sangkot sa mga investment scam kagaya ng KAPA at Almamico upang mabigyan ng karampatang sanction o tuluyang matanggal sa serbisyo.
Kasunod din ito ng mga balitang maraming pulis sa rehiyon ang myembro ng nasabing investscam na patuloy ang pambibiktima sa publiko.
Una nang nagpalabas ng advisory ang PNP chief sa lahat ng PNP local offices na hindi dapat pumasok ang sinuman nilang miyembro sa anuman uri ng scam.
Nasa Geneal Santos si Albayalde bilang pangunahing bisita sa isasagawang inagurasyon ng mga bagong proyekto ng PNP Region 12.
429