PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN

KASABAY ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan, nagbabala ang Department of Health sa mga W.I.L.D. na sakit na karaniwang tumataas ang kaso.

Ayon sa DOH, ang abbreviation na W.I.L.D. ay kinabibilangan ng Waterborne diseases na nakukuha sa maruming tubig, Influenza-like illnesses gaya ng trangkaso at lagnat, Leptospirosis na mula sa ihi ng daga sa baha at Dengue na dulot ng kagat ng lamok na namamahay sa naipong tubig.

Payo ng DOH, maging alerto at sundin ang mga paalala para makaiwas sa sakit.

Kung nakararamdam ng anomang sintomas, maaaring tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 at pindutin ang 2 para sa agarang konsultasyon.

(JULIET PACOT)

38

Related posts

Leave a Comment