ARRAIGNMENT NI TEVES SA MGA KASONG PAGPATAY ITINAKDA SA MARTES

INAASAHANG haharap sa arraignment sa Manila Regional Trial Court si dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa darating na Martes (Hunyo 10), kaugnay ng kasong pagpatay kay dating governor Roel Degamo at ilan pang biktima noong Marso 4, 2023.

Si Teves ay babasahan ng sakdal sa Branch 51 sa ganap na alas-2 ng hapon para sa 10 bilang ng murder, 13 bilang ng frustrated murder at apat na bilang ng attempted murder.

Magugunita nitong Huwebes ng umaga, iniharap na rin si Teves sa Manila RTC, Branch 12 para sa kasong illegal na pagmamay-ari ng mga baril at pampasabog.

Hindi siya nagpasok ng plea, kaya’t ang korte ang nagpasok ng plea na “not guilty” para sa kanya.

Sa hiwalay na mga kaso, nahaharap din si Teves sa tig-isang bilang ng murder sa Manila RTC Branches 12 at 15, at sa RTC Branch 63 sa Bayawan, Negros Oriental.

May kinakaharap din siyang kasong terorismo sa Quezon City RTC Branch 77.

(JULIET PACOT)

50

Related posts

Leave a Comment