PAY RULES SA EID’L ADHA, IPINAALALA NG DOLE

MAY karapatang tumanggap ng 200 porsiyento ng kanilang suweldo para sa walong oras na trabaho ang mga empleyado ng pribadong sektor na mag-uulat para sa trabaho sa Hunyo 6 na isang regular holiday bilang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).

Sa isang advisory noong Huwebes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga hindi magre-report para sa trabaho ay may karapatang tumanggap ng buong halaga ng kanilang daily wage “sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may suweldo sa araw bago ang regular holiday.”

Ang mga empleyado sa pribadong sektor na pàpasok sa trabaho sa regular holiday, Hunyo 6, ay may karapatan na makatanggap ng 200 percent ng kanilang suweldo para sa walong oras ng trabaho.

Sa mga hindi naman pàpasok sa trabaho ay may karapatan na matanggap ang buo nilang arawang suweldo sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang regular na holiday.”

Para sa trabahong ginawang lampas sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly na rate ng pangunahing sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho).

Para sa trabahong ginawa sa panahon ng regular na holiday na pumapatak sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng pangunahing sahod na 200 porsiyento (basic wage x 200% × 130%).

Kung ang empleyado ay nagtrabaho nang higit sa walong oras sa panahon ng isang regular na holiday na pumapatak din sa kanyang araw ng pahinga, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng pangunahing sahod x 200% x 130% x 130% x bilang ng mga oras na nagtrabaho).

(JOCELYN DOMENDEN)

46

Related posts

Leave a Comment