PURA LUKA VEGA ABSWELTO SA ‘PAGTUYA’ KAY KRISTO

INABSWELTO ng Manila Regional Trial Court ang drag performer na inakusahang ng pagtuya sa Poon Hesus Cristo, dahil sa kabiguan umano ng prosekusyon na makapaghain ng sapat na katibayan para mapatunayang nagkasala ito sa kinakaharap na habla.

Ang drag actor na si Amadeus Fernando Pagente, kilala bilang Pura Luka Vega, ay pinawalang-sala ng Manila RTC Branch 184, sa kasong nag-ugat sa kanyang kontrobersyal na performance gamit ang banal na awiting “Ama Namin” habang naka-costume at ginagaya ang imahe ni Jesus Christ.

Sa ibinabang desisyon ni RTC Branch 184 Presiding Judge Czarina Samonte-Villanueva kahapon, nabigo umano ang prosekusyon na patunayan na nilabag ni Pagente ang batas, public order, moral at magandang asal sa paggaya niya kay Jesus Christ at pagsasayaw sa saliw ng awiting “Ama Namin.”

Si Pagnente ay pansamantalang nakalaya makaraang maglagak ng P72,000 piyansa matapos siyang akusahan ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Republic Act No. 10175 o the Cybercrime Prevention Act, dahil sa immoral doctrines, obscene publication and exhibition and indecent show,

“In sum, Pura Luka’s performance may be disrespectful and offensive, but the prosecution fell short of proof that the same is unlawful under Article 201,” ayon kay Samonte-Villanueva.

Magugunitang si Pagente ay ipinagharap ng habla ng mga kasapi ng Hijos del Nazareno na umano’y lubhang naapektuhan at nademoralisa sa kanilang nasaksihan sa pagsasayaw at pagkanta ni Pagente ng “Ama Namin” song.

Nabatid na isa sa mga tumayong testigo ni Pagnete ang isang University of the Philippines art professor na ang sining ay walang limitasyon.

“The prosecution utterly failed to discharge the burden of proof beyond reasonable doubt that the act complained of constitutes an indecent or immoral play, scene, act or show which are proscribed by the penal code,” ani Samonte-Villanueva.

(JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment