OPISYAL nang nanumpa bilang bagong Ombudsman ng bansa si dating Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kahapon sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Bagaman walang direktang marching orders mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Remulla na malinaw ang hangarin ng pangulo — linisin ang gobyerno sa korapsyon at gawing mas maayos at tapat ang pamamahala sa bansa.
Ayon sa bagong Ombudsman, uunahin niyang ayusin ang mga guidelines upang masiguro ang maayos na pag-usad ng mga kaso sa kanyang tanggapan.
Nagbiro pa si Remulla at tila nag-mala-superhero nang sabihin: “With great power comes great responsibility.”
Paliwanag niya, bagama’t malawak ang kapangyarihan ng Ombudsman, dapat itong gamitin nang may integridad at pananagutan.
Sa huli, nanindigan si Remulla sa kanyang kontrobersyal na pahayag kamakailan hinggil sa “bending the law,” at giit niya — “Iba ang bending the law sa breaking the law.”
Ayon sa kanya, maaaring maging flexible ang batas sa interpretasyon basta’t hindi ito nilalabag, lalo na kung ang layunin ay katarungan at katotohanan.
(JULIET PACOT)
106
