ROSE LIN INENDORSO NG INC AT IBA PANG GRUPO SA DISTRITO 5

NAKUHA ni congressional candidate Ate Rose Nono Lin ang suporta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC).

Si Lin ay tumatakbo bilang kinatawan ng Ika-limang distrito ng Quezon City.

Agad namang pinasalamatan ni Ate Rose Lin ang tiwala at suporta ng INC at ng iba’t ibang grupo sa lungsod.

Aniya, malaking karangalan na mapabilang sa mga kandidato na binigyan ng basbas ng INC ngayong May 12 midterm election. Bukod dito, tumanggap din ng matinding pagsuporta si Ate Rose Lin mula sa malalaking voting blocks tulad ng Muslim groups, senior citizens, TODA, market vendors group, Youth at iba pa na nagbigay ng kanilang commitment sa local leaders.

Patunay aniya ang suporta ng mga ito na marami ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan at talino upang mapaunlad ang Distrito 5 ng QC.

(PAOLO SANTOS)

123

Related posts

Leave a Comment