HINDI pa rin nagbabago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa pinakabagong development sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kinakailangan na malutas ang hindi pagkakasunduan sa WPS sa pamamagitan ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ani Sec. Roque, nandiyan ang desisyon ng UN Tribunal na nagsasabing walang basehan ang tinatawag na historic claims to waters ng China.
Bukod pa sa nakasaad din aniya sa desisyon ng UNCLOS na ang malaking bahagi ng WPS ay sakop ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang gobyerno na magkakaroon ng Code of Conduct ang Asean region nang maiwasan na ang hidwaan sa pinag-aagawang teritoryo.
Aniya Roque, hindi nawawalan ng pag-asa ang gobyerno na malulutas din ang problemang ito sa mapayapang paraan sa pagitan ng mga magkakaibigang bansa. (CHRISTIAN DALE)
170 