Sa pagsisimula ng local campaign PNP MAY COLOR CODING SA ELECTION HOTSPOTS

KASADO na ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) para tiyaking magiging maayos, mapayapa at ligtas ang pagsisimula ng campaign period para sa iba’t ibang local position sa May 9 national elections.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, handa na ang ipatutupad nilang seguridad at partikular na tutukan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tukoy na hot spot areas o areas of immediate concerns.

Bukod sa makakatuwang ang AFP at PNP ay magdadagdag umano sila ng pwersa sa mga lugar na natukoy na election hotspots.

Nabatid pa na hinati sa apat na kategorya ang  mga lugar ito.

Ang Green ay ikinokonsiderang generally peaceful, Yellow para sa areas of concern na may naitalang election-related incident, ang Orange sa areas of immediate concern na may serious armed threat, at Red para sa mga lugar na may areas of grave concern kung saan posibleng ideklara ang Comelec control.

Aminado ang PNP na maituturing na security challenge ang pag-uumpisa ngayon ng local campaign period dahil inaasahan na mas matindi ang labanan sa pulitika lalo na sa mga lalawigan.
Kasama sa mga rehiyon na pinatututukan ng PNP sa kanilang field commanders ang region 5,8,12,13 at Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR).

Sa Metro Manila, tinatayang aabot sa 4,000 tauhan ng PNP-National Capital Region Police Office ang idedeploy ngayong araw. (JESSE KABEL)

144

Related posts

Leave a Comment