#AngBeKi: IISA ANG TATTOO NG FOREVER FRIENDS

IBANG klase rin talaga ang trip ng magkakaibigang sina Bela Padilla, Kim Chiu and Angelica LOURDES C. FABIANPanganiban. Para sa kanila ay mas titibay ang kanilang friendship kung magkakaroon ng tatak ang kanilang pagkakaibigan. Sabi nga nila, “friends that get inked together, stay together!” Oh di ba? Unique ang catchline ng tatlo!

Marami namang paraan to mark your friendship pero wala ng mas unique at naiiba talaga like having a matching tattoo with your closest friends para patunayan sa buong mundo that your friendship is like no other and it will last forever.

At ang maganda pa sa kanilang friendship ay meron silang sariling hashtag na obviously stands for their names combined #AngBeKi.

Ipinost nina Kim and Bela sa kanilang Instagram ang kanilang tattoo para ipakita at ipabatid sa lahat their BFF adorable tattoos kaya naman nagtatanong ang mga fans what’s the meaning behind it.

“We got inked!!! (This was supposed to be the test for our fourth member, [itago natin sa pangalang @danvillegas ] who conveniently had to leave when it was his turn,”caption ni Bela sa picture nilang tatlo.

Anyway, walang basagan ng trip. Sana nga lang ang tuldok na ipina-tattoo nila ay magsilbing bond para mas tumibay ang kanilang friendship at hindi tuluyang mabigyan ng tuldok ang maganda nilang pagkakaibigan.

oOo

MABILIS kumalat ang speculation na finally ay buntis na ang asawa ni Mayor Richard Gomez na si Lucy Torres dahil sa intriguing post niya sa social media na red rose kaya naman bumuhos ang iba’t ibang comments and reactions among netizens.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal ng gustong masundan nina Lucy at Richard si Juliana na katatapos lang mag-debut. Juliana Gomez chose to celebrate her debut with a disco-themed party with her family and close friends at the Bench Tower in Bonifacio Global . Lucy was talking about answered prayers and promises on her post… “Of answered prayers and promises that always, in His time, come to pass.”

Maaalalang sa isa sa mga panayam kay Richard na gusto nila pareho ni Lucy na magkaroon ng maraming anak . “I’m praying for two more (kids), Lucy wants four,” wish pa ng Mayor ng Ormoc. Kaya naman masaya ang kanilang mga fans at maraming tao para sa mag-asawa kung totoo ngang buntis na si Lucy.  (StarBiz / Lourdes C. Fabian)

231

Related posts

Leave a Comment