MARAMI ang nag-react sa Instagram post ni Bea noong isang araw, July 21, na may katagang ENOUGH in capital letters. Marami ang nagsabing patungkol ito sa hinihinalang hiwalayan ng aktres at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Sinasabing may third party sa diumano’y hiwalayang ito. At ang tinutukoy ng iba ay si Julia Barretto ang third party. At dahil sangkot si Julia, hindi maaalis na bigyan din ng kahulugan ang post ng dating boyfriend nitong si Joshua Garcia. Sa Instagram Stories ni Joshua, dalawang nakakaintrigang words ang kanyang ibinahagi noong araw ding iyon, July 21: “I’m mute.”
Hindi na ito makikita sa Instagram Stories niya ngayon. Dahil nga magkasunod ang posts nila ni Bea, iniisip ngayon ng mga followers ng mga sangkot na artista na reaksyon ito ni Joshua sa “ENOUGH” post ni Bea.
154