MAS IKASISIRA NI COCO ANG PAGDE-DENY SA ANAK NI JULIA

coco12

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

HINDI na raw kailangan pang makipagpustahan, kumpirmadong nagsilang na raw ng anak si Julia Montes.

Ito ang balitang umalingaw­ngaw sa isang radio program kamakailan.

Pero sa kabila nito, ang itinuturong ama ng sanggol, si Coco Martin, is still tight-lipped on the issue. Bagkus, galit ang aktor sa mga insinuwasyon when it takes a simple yes or no bilang diretsahang sagot sa tanong na: Did Julia really give birth?

Sa halip ngang aminin o itanggi ni Coco ang tsismis (kung tsismis pa ngang matatawag ‘yon), he appealed to the netizens to shut up. Wala naman daw kasing alam ang mga ito tungkol sa buhay niya.

Despite confirmed reports, we still would like to give Julia the benefit of the doubt (or doubt more than the benefit?).

Dahil babae siya, it’s not her lookout but Coco’s. Julia stands to lose more than her actor-boyfriend. Sa katunayan, mas mae-enhance pa nga ang macho image ni Coco even he’s hardly conscious about it.

This cannot be said of Julia who still has a promising career and a bright future ahead of her.

Wala itong inilayo sa kaso noon ni Kristine Hermosa who was at the peak of her career bago naugnay at nagkaanak kay Oyo Boy Sotto. At nang magkaanak, while she gained a family, she lost her career.

Kung manaka-naka mang nakakabalik si Kristine, thanks to her father-in-law-producer (Vic Sotto). Even if Oyo Boy doesn’t work his butt off ay secure na secure na si Kristine. Choice na lang niya if she wants to give her career a new start.

It’s a whole different story sa kaso ni Julia.

Wala man siyang biyenang producer, her boyfriend Coco’s career status — probably making him one of the richest actors of his generation—is more than enough para gustuhing maghayahay na lang ni Julia all her life.

Maglaho man completely ang career ni Julia, daig pa niya ang nakasandal sa pader na hindi matibag-tibag.

As for Coco, wala siyang dapat ipag-alala with respect to the effect of siring a child with Julia. Hindi siya isang boy-next-door matinee idol whose fans will walk away and switch to adoring other actors.

Mas ikakasira pa ni Coco ang patuloy niyang pagde-deny ng kanyang pagiging isa nang ama let alone his turning away from a paternal responsibility which we certainly doubt.

Kung hindi nga tunay na anak ay sinusuportahan ni Coco, ‘yun pa kayang bunga ng pagmamahalan (albeit clandestine) nila ni Julia?

Angkop lang ang ibinigay na apelyido sa kanyang karakter sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Dalisay siya kung umibig kahit sa totoong buhay.

Art imitating life this time.

 

252

Related posts

Leave a Comment