SA recent guesting ni Matteo Guidicelli sa “Tonight With Boy Abunda” ay humingi ang hunky singer-actor ng tulong kay Kuya Boy nang tanungin siya about marriage at kung napag-uusapan na ba nila ni Sarah Geronimo ang kasal?
Hiling ni Matteo kay Kuya Boy ay kausapin daw ng King of Talk si Sarah, na parang ang ibig niyang sabihin ay wala sa kanya ang problema!
Pero sa shooting ng movie ni Sarah sa Viva Films na Unforgettable ay si Sarah naman daw ang nag-dialogue ng “Sana” nang tanungin siya ng co-star na si Ara Mina sa kanilang chikahan sa set ng kanilang movie kung sa kasalan na ba mauuwi ang anim na taong relasyon nito kay Matteo.
Na-shock nga raw si Ara sa sagot na ito ni Sarah dahil ang inaasahan siguro nito ay “Oo” ang isasagot sa kanya ng dalaga.
So, obvious naman na si Matteo ang may maraming pautot dahil sa ngayon ay wala naman yata itong kaplano-planong mag-propose sa nobyang singer-actress.
153