NANCY OF MOMOLAND, JAMES REID MAY BAGONG SHOW

MAY  bagong show sa ABS-CBN si James Reid at ang makakapareha niya rito ay walang iba kundi si Nancy McDonie na miyembro ng sikat na Korean pop group Momoland.

Ang teleserye at may pamagat na “Soulmate” at ididirek ito ni Antoinette Jadaone na siya rin nagdirek ng mga teleseryeng “On The Wings of Love” at “Till I Met You” na pinagbidahan din ni James kasama ang girlfriend na si Nadine Lustre.

Ang buong grupo ng Momoland ay pumirma na rin ng kontrata sa ABS-CBN.  Sumikat sila sa kanilang “Bboom Bboom” dance.

 

158

Related posts

Leave a Comment