PIA WURTZBACH NAG-30th BIRTHDAY SA BALI

NAG-30th birthday ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at idinaos niya ito sa scenic island ng Bali, Indonesia.

Nag-post ang beauty queen sa kanyang Instagram stories, at makikita rito na kasama niya sa kanyang kaarawan ang mga malalapit na kaibigan, pati na rin ang batchmates niya mula sa 2015 Miss Universe pageant. Ang ilan sa mga Miss Universe candidates na nandoon ay sina Anindya Kusuma Putri ng Indonesia, Vanessa Tevi Kumares ng Malaysia, Lisa White ng Singapore, Debbie Collins ng Nigeria, Mitra Kusta ng Croatia, Catalina Morales ng Puerto Rico, Nena France ng Great Britain, at Claudia Barrionuevo ng Argentina.

May video rin na ipinost si Pia at may caption ito na, “Thank you for all your birthday greetings! Ang saya saya ko! I’m so grateful to feel all your love!!”

315

Related posts

Leave a Comment