Galawang Trapo ni Ka Doro

SYANONG DETEKTIB ni Lucio S. Papa DALAWANG taon bago ang takdang araw ng halalan, puspusan na ang paghahanda ng isang kalihim sa pagsabak sa 2028 national elections. Target ni Health Secretary Teodoro Herbosa mapasama sa talaan ng mga pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa posisyon ng senador sa kabila pa ng sandamakmak na kaso ng katiwalian na inihain sa Office of the Ombudsman ng kanya mismong mga tao. Susmaryosep! Sa dami ng bulilyaso mo, umaasa ka pa talagang mauuto mo si Dayunyor? Sa selection committee pa lang ng…

Read More

NAGSIMULA SA PAMUMULITIKA, MAGTATAPOS SA PAMUMULITIKA

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANG maupo sa puwesto si Ferdinand Marcos Jr., marami ang umasa na maghahatid ang kanyang administrasyon ng pagkakaisa matapos ang mainit at mapait na kampanya noong halalan. Bitbit niya noon ang mensahe ng “unity” na naging sentro ng kanyang pagtakbo kasama si Sara Duterte. Ngunit habang tumatagal ang panahon, tila mas nangingibabaw ang pulitika kaysa tunay na pagkakaisa. Sa unang mga taon ng administrasyon, kapansin-pansin na agad ang tensyon sa pagitan ng iba’t ibang kampo sa gobyerno. Ang dating magkakaalyado ay unti-unting nagkakaroon ng lamat,…

Read More

IMPEACHMENT NI INDAY SARA: PULITIKA BA O PANANAGUTAN?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS Sa kabila na maraming kinahaharap na mga suliranin ang bansa ay ang usapin sa pulitika ang pinagtutuunan ng karamihan, partikular ang isyu sa impeachment laban kay Sara Duterte. Habang abala ang sambayanan sa pagharap sa mataas na presyo ng mga bilihin, kakulangan sa trabaho, at iba’t ibang suliranin sa ekonomiya, tila hindi nawawala sa sentro ng usapan ang bangayan sa pagitan ng mga makapangyarihang personalidad sa gobyerno. Marami ang nagtatanong kung ang impeachment ba ay tunay na paghahanap ng pananagutan o isa lamang bahagi…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA CAVITE

PINAGHAHANAP ng pulisya ang suspek na bumaril at pumatay sa isang lalaki habang nakaupo sa Tanza, Cavite noong Linggo ng umaga. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, tinatayang 5’7″ ang taas at katamtaman ang pangangatawan. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga habang nakaupo ang biktimang si alyas “Mark” sa isang kutson sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang…

Read More

JEEP INIIWAS SA BANGIN, BUMANGGA SA PUNO: 4 PATAY, 14 SUGATAN

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang family outing nang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang passenger jeep sa provincial road ng Oriental Mindoro na ikinasawi ng apat katao kabilang ang isang menor de edad, habang 14 naman ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Grace Mission Hospital sa Barangay Catiningan, bayan ng Socorro, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ayon sa ulat, nangyari ang sakuna pasado alas-11:45 ng umaga noong Linggo sa Barangay Fortuna ng nabanggit na bayan. Bigla umanong mawalan ng preno ang jeep…

Read More

P20-M COCAINE NABINGWIT SA KARAGATAN NG PALAWAN

NASA kustodiya na ng Palawan PNP ang tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang cocaine matapos itong isuko ng dalawang mangingisda na nakabingwit dito habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Barangay Taburi sa Rizal municipality. Ayon sa ulat ng Rizal Municipal Police Station, natagpuan ang palutang-lutang na pakete sa dagat noong Linggo sa katimugang bahagi ng Palawan. Nakabalot umano sa itim na plastic ang hinihinalang cocaine na tumitimbang ng dalawang kilo at may tinatayang street value na P20 milyon. Agad itong isinailalim sa kustodiya ng Palawan Police Provincial Office para sa…

Read More

DND WALANG NAMO-MONITOR NA DESTABILISASYON

TAHASANG sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na wala silang namo-monitor na anomang destabilization activities kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. “Sa ngayon, involving active duty members, wala kaming namo-monitor at ‘yun lang naman ang tinututukan namin,” ayon kay Sec. Teodoro. Sinabi rin ng kalihim na nananatiling professional ang hanay ng militar sa gitna ng mga political issues. Nilinaw ni Teodoro na hindi na saklaw ng kanilang kagawaran ang mga retiradong sundalo at malaya na umano ang mga itong magpahayag bilang ordinaryong mamamayan.…

Read More

BALIGOD HUMIRIT NG EXTENSION SA DOJ PARA SA COUNTER-AFFIDAVIT

HUMIRIT ng extension si Atty. Levito Baligod sa Department of Justice (DOJ) upang makapagsumite ng counter-affidavit at karagdagang sinumpaang salaysay hanggang Mayo 25. Kinakaharap ni Baligod ang reklamong cyber libel, perjury at unlawful utterances kaugnay ng alegasyon ng mga dating sundalo at Marines hinggil sa umano’y flood control kickbacks na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno. Sa ambush interview, sinabi ni Baligod na may pitong testigo umanong nagsabing nakita nila si dating Sen. Leila de Lima habang apat naman ang nagsabing nakita si Fr. Albert Alejo Villanueva na tumanggap umano…

Read More

DA PINAIGTING PAGHAHANDA SA EPEKTO NG EL NIÑO

INIHAYAG ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na pinaigting na ng Department of Agriculture (DA) ang paghahanda para sa mga lokal na magsasaka at mamimili kaugnay ng posibleng matinding epekto ng El Niño na maaaring makaapekto sa ani at suplay ng pagkain. Ayon kay Sec. Tiu Laurel, bagama’t hindi ganap na maiiwasan ang pagkalugi, maaari naman itong mabawasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga pananim na hindi gaanong nangangailangan ng tubig, paggamit ng solar-powered irrigation, low-cost greenhouses at mas maagang iskedyul ng pagtatanim. “Ang mga natutunan natin sa…

Read More