SUBPORT OF MACTAN NAKAPASA NA SA 1ST STAGE OF ISO AUDIT

Magiging pangalawang ISO 9001:2015 certification para sa Port of Cebu ang natatanaw ngayon matapos na ma­ging matagumpay na nakapasa ang Subport of Mactan sa first stage ng External Audit na isinagawa ng TüvSüd Management Service.

Pinangunahan ni Port Collector Gerardo A. Campo, ang Subport of Mactan ang naglakad sa external auditors sa pamamagitan ng kanilang ‘management system, documented information, site-specific conditions, and personnel’s preparedness’.

Pinamunuan naman ni Auditor Xavier Lance Dy ng TüvSüd Management Service at nakita nito na ang Subport ay nakasunod sa mga requirements ng ISO 9001:2015 Certification at inirekomenda na para sa Final Audit.

Ang ISO 9001:2015 Certification ay isang international standard na tumutukoy sa requirements para sa quality management system.

Gamit ang organizations and standard para magpakita ng abilidad sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga produkto at serbisyo na matugunan ang regulasyon at mga kina­kailangan ng customers.

Nauna rito, noong naka­raang taon ang Subport of Dumaguete ay nakuha rin ang ISO 9001:2015 Certification at may hawak ngayon ng pagkakaiba bilang kauna-unahang Subport ng BOC na naging ISO-certified.

Sa nasabing pagkakapasa sa 1st stage ng ISO audit, inaasahan ang Final Audit ay mangyayari sa buwan ng Hunyo.

Kaugnay nito, ang Subport of Mactan ay pangalawa sa Subport na makakakuha ng ‘international stamp of quality service’.

Ang mga nabanggit na subports ay pawang nasa ilalim ng Collection District VII-Port of Cebu.

Ang ISO certification ng Customs units at mga opisina ay parte ng Bureau’s top priority programs, na ang layunin ay para sa ‘streamline the Bureau’s services and improve its processes’. (Jo Calim)

163

Related posts

Leave a Comment