MALIIT NA PRIVATE PART NG LALAKI, SENYALES NG PAGKABAOG?

PAGKABAOG

Sa isang pag-aaral, binigyang linaw ang mga haka-haka na karamihan ng mga lalaki na mayroong maliit na ari ay baog.

Ang pag-aaral ay iprinisenta sa American So­ciety para sa Reproductive Medicine conference sa Colorado at iniulat din ito sa The Telegraph noong Oktubre.

Sa pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang datos mula sa 815 na lalaki na dumulog sa men’s health clinic noong 2014 at 2017 kung saan 219 sa mga ito ay may problemang makabuntis habang ang natitirang 596 ay dumulog dahil sa reproductive issues gaya ng erectile dysfunction at pananakit ng ari.

Sinuri rin ng mga researcher ang erected penile length ng respondents gamit ang standard test na tinatawag na “Stretched Penile Length.”

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga baog na lalaki ay mayroong mas maliit na sukat ng ari kumpara sa mga walang reproductive issues, “taking into account weight, race and age,” ayon sa ulat.

Samantala, ang mga fertile men naman ay may average na haba ng 13.4 centimeters habang ang nahihirapan naman makabuntis ay ang mga lalaki na may ari na isang inch na mas maliit sa 12.5 cm.

“One centimeter may not be a striking difference but there was a clear statistical significance,” ayon sa main researcher ng pag-aaral na si Dr. Austen Slade mula sa University ng Utah.

“It remains to be determined if there are different penile length cut-offs that would predict more severe infertility.”

Kahit na ganito ang kinalabasan ng pag-aaral, inihayag pa rin ni Slade na maaaring may iba pang rason kung bakit maliit ang ari ng isang lalaki.

“This is the first study to identify an association between shorter penile length and male infertility. It’s possibly a manifestation of congenital or genetic factors that predispose one to infertility. For now, men with shorter penises don’t need to worry about their fertility.”

1749

Related posts

Leave a Comment