TAPATAN NA NGAYON NG LAKAS SA MUSCLECONTEST PHILIPPINES!

MUSCLE CONTEST-2

Ngayon na ang pinakaaabangang sagupaan sa MUSCLECONTEST PHILIPPINES!

Ang Multi-Sport Festival at Fitness Expo na ito ay inaasahang dadaluhan ng 5,000 participants at spectators na magaganap sa The Tent sa Acacia Estates Town Center sa Barangay Bambang, Taguig City ngayong araw ng Sabado.

Makasaysayan ang naturang okasyong dahil noong nakaraang taon ay naging daan ito sa IFBB Pro Cards na makarating sa bansa sa unang pagkakataon.

Ang IFBB o ang International Federation of BodyBuilding & Fitness ay ang ang pinakaprestihiyoso at pinakapinaglalabanang award sa industriya ng bodybuilding at fitness.

Sa ikalawang edisyon ngayon, ang IFBB ay ang magiging venue kung saan patibayan, palakasan, at tagisan ng mga lakas at hubog ng katawan ang masasaksihan dito mula sa mga atleta sa professional events sa mundo.

Magaganap din sa all-day adrenaline-packed event na ito ang mga sumusunod:

  • MUSCLECONTEST AND IFBB PRO 2019 – ito ay isang international bodybuilding competition kung saan ang IFBB Pro Cards ang magiging daan para mas makilala pa at mapili ang mga karapat-dapat na atleta sa bansa. Ang mga topbuilder at physique athlete mula sa Pilipinas at ibang bahagi ng mundo ay magtatagisan sa iisang entablado.
  • KING OF THE FIGHT – Abangan dito ang tatlong magkakaibang martial arts exhibitions na magaganap tulad ng MMA fights, boxing, at isang BJJ o Brazilian Jiu-Jitsu exhibition. Tapatan na rito ng adrenaline at lakas!
  • THE ALPHA CHALLENGE – Magiging iba ang sitwasyon sa pagkakataong ito pero maaasahan pa rin ang ultimate fitness challenge ng enthusiasts nito kung saan masusubok ang kanilang tibay at lakas.
  • CONZERT – Magbabalik muli ang all-day dance marathon dahil sa i­naabangang classes gaya ng Bootcamp, Pop Hits, Retro, Piloxing, Barre, Cardio Martial Arts, Strong by Zumba, Zumba Fitness, at Zumba Step para sa buong araw!

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa https://www.musclecontestinternational.com/all-events.php

88

Related posts

Leave a Comment