SUBSIDY SA FOREIGN CAR MANUFACTURERS SINITA NG SOLON

SA halip gamitin ang bilyones para magtayo ng sariling car industry, itinutulong pa ito ng gobyerno sa mga dayuhang car manufacturers tulad ng Toyota at Mitsubishi na walang makatotohanang technology transfer requirements.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon matapos kuwestiyunin ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang halos dalawang bilyong piso na subsidy na ibibinigay ng ahensya sa dalawang nabanggit na car manufacturer.

Ayon sa DTI, P1.3 billion Fixed Investment Support (FIS) para sa Toyota at P484 million naman sa Mitsubishi Motors na pinanghihinayangan ni Tinio dahil imbes na gamitin ito para magtayo ng sariling industriya ay itinutulong pa sa iba.

“So, bibigyan ng gobyerno ang Mitsubishi at Toyota ng all in all, may mga 2 billion pesos. So, again, ang diin natin, ayuda ito ah,” ani Tinio na hindi katanggap-tanggap aniya dahil malalaki na ang mga ito.

Lumalabas na may utang pa ang gobyerno sa multinational companies na ito dahil nakatakdang magbayad ang DTI sa Toyota ng P225 million sa susunod na taon dahil hindi buong ibinibigay ang subsidies.

“Okay, so binabayaran ng gobyerno ang Toyota at Mitsubishi para makalikha ng trabaho dito dahil nandito sila,” ayon pa kay Tinio na sa tingin nito ay luging-lugi ang mga Pilipino dahil walang kapalit na technology transfer.

“Kasi sa ibang mga bansa, for example, India, Indonesia, Malaysia, etc., ni-invite nila yung mga foreign manufacturers like that, pero requirement, magtayo kayo ng planta, pero at some point, magiging pag-aari ng mga Filipino yan and we can then use that for our own,” ayon pa sa mambabatas.

Mapanganib din umano ito dahil kapag biglang umalis ang mga manufacturer na ito sa bansa tulad ng ginawa ng Ford na lumipat sa Thailand ay hindi na mapakikinabangan ang subsidies na ibinibigay sa kanila.

“Bakit hindi gamitin ng gobyerno ang pagkakataon para ma-develop ang local manufacturing. For example, not in the production of cars, kundi vehicles for public transport. Yun ang kailangan natin, di ba? So, mga bus or jeeps, modern jeeps, whatever,” pagbibigay diin pa ng mambabatas.

(BERNARD TAGUINOD)

30

Related posts

Leave a Comment