SUPORTAHAN SI CONG. SONNY LAGON NG AKO BISAYA PARTY-LIST

LALONG lumalakas ang suporta ngayon ng mga tao kay Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon.

Ang dami kasing natutulungan ng mamang ito.

Napakabait at walang pinipili kapag may lumalapit sa kanila para humingi ng tulong.

Maraming isinusulong na panukalang batas ang party-list ni Lagon.

Kabilang na nga riyan ang pagtataas ng cash gifts sa mga senior citizens.

“Republic Act No. 10868, otherwise known as the Centenarians Act of 2016, embodies the Filipino’s trait of recognizing and honoring the ­valuable contributions of elderly Filipinos to their families, communities and the society in general,” wika ng kampo ni Lagon.

“Aside from a Letter of Felicitation from the President, the law mandates the grant of Centenarian Gift in the amount of one hundred thousand pesos (100,000) to all Filipinos who reach the age of one hundred years old, whether residing in the Philippines or abroad.”

Tama nga naman si Lagon.

Ngunit sabi nga ni Lagon, maraming nakikinabang sa Centenarians Act.

Ang masaklap, ‘yung ilang matatanda, namamatay na lang at walang nakukuhang benepisyo mula sa gobyerno.

Kaya isinusulong niyang bigyan ng tulong ang mga 80 taong gulang.

“While the intention of the law is very commendable, very few Filipinos get to live long enough to enjoy these special benefits. Further, it should be noted that many of those who are lucky enough to qualify for the benefits no longer have the mental faculties to enjoy and appreciate the cash gift and the accolade,” sabi ng mambabatas.

“According to the World Health Organization’s statistics published in 2018, the average life expectancy of Filipinos is 69.3 years old,” dagdag ng kongresista.

Nais ni Lagon na bigyan ng P80,000 ang mga nasa 80-anyos na matatanda bilang Octogenarian Gift.

Nararapat lamang ito dahil maraming matatanda ngayon ang naghihirap.

‘Yung iba, pinababayaan pa ng kanilang mga anak sa lansangan.

“It is, therefore, the objective of this bill to grant an Octogenarian Gift of eighty thousand pesos (P 80,000) to Filipinos who reach the age of eighty years old which amount shall be deducted from the Centenarian Gift mandated by Republic Act No. 10868 should the beneficiary gets to avail of the same,” giit ni Lagon.

Ayaw ni Lagon na kamatayan na lamang ng mga matatanda ang paghihintay ng kanilang benepisyo na nararapat naman para sa kanila.

“The intention is to make the gift more accessible to more Filipinos and enable them to enjoy it during the twilight years of their lives when medicines and other necessities are more urgent,” aniya.

Sabi nga ng matulungin at masipag na kongresista, “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”

Suportahan po natin ang mga adbokasiya ni Rep. Sonny Lagon ng Ako Bisaya Party-list.

Mabuhay po kayo at God bless!

170

Related posts

Leave a Comment