(Ni JEDI PIA REYES) PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang pagsasampa ng mga kasong katiwalian laban kay House Deputy Speaker Arthur Yap kaugnay sa umano’y maanomalyang pag-apruba ng car loan plans ng mga board of trustees ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) noong 2008 hanggang 2009. Sa ipinalabas na resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, ibinasura nito ang mosyon ni Yap na nagpapadismiss sa mga kaso kasabay ng pag-uutos na maipagpatuloy ang paglilitis sa dalawang counts ng graft laban sa kongresista. Hindi rin kinatigan ng Sandiganbayan ang katulad na apela ni dating…
Read MoreTag: Congress
SA PAG-ALIS NI GMA: GIRIAN SA SPEAKERSHIP UMPISA NA
(Ni BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nagsisimula ang local campaign, nagpopormahan na ang ilang kilalang political leaders para sa speakership sa 18th Congress kapalit ng graduating na si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Naglabas ng kalatas ang National Unity Party (NUP) kung saan ineendorso ng partido si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kung walang ieendorsong speakership si Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon sa chair ng NUP na si Ronaldo Puno, naniniwala sila na si Cayetano ang bagay sa nasabing posisyon dahil tulad ni Arroyo, kaya…
Read MoreKAMARA, BAKIT TAHIMIK SA DELAYED NA BUDGET?
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGING katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa nakabimbin na 2019 national budget na hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naratipikahan na ito noong Pebrero. Maging ang alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hinihintay pa ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga proyekto ng mga kongresista para maisingit sa P3.757 trilyon national budget ngayong taon ay hindi pinapansin ng liderato ng Kamara. Noong Biyernes, Marso 1, ay hiningan ng mga mamamahayag ng pahayag si House committee on appropriation chair Rolando Andaya…
Read MoreIT EXPERTS PINATUTULONG SA ‘MOMO CHALLENGE’
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY LUCAS LUKE) PINATUTULONG ng isang mambabatas sa Kamara ang mga Information Technology (IT) experts para mawasak ang app ng ‘momo challenge’ dahil sa nganganib ang mga followers nito na pawang mga kabataan. Bukod sa momo challenge, kailangan din umanong mawasak sa pamamagitan ng virus na bubuuin ng mga IT experts ang mga ‘nudity challenge”, online bullying message at images kasama na ang online scam. “I am a gamer. Maybe the software developers can create a sort of antivirus that will search and destroy all the momo pictures…
Read MorePIRMA NI DIGONG SA ANTI-PALO BILL HINIHINTAY PA RIN
(NI BERNARD TAGUINOD) NAPATUNAYAN na walang pakialam at pagpapahalaga si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataan matapos nitong i-veto ang anti-palo bill 0 “Non-Violent Discipline of Children Act”. Ito ang opinyon ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin matapos ibasura ng Pangulo ang magbibigay sana ng proteksyon sa mga kabataan laban a verbal at physical abuse. “It is unfortunate because children nowadays are subjected to all forms of physical and mental violence,” dagdag pa ng mambabatas kaya laglag ang balikat ng mga kongresistang nagsusulong sa nasabing kanukala. Sakaling naging batas ito,…
Read MoreDU30 DUDA SA ILL-GOTTEN WEALTH NG MGA MARCOS
(NI BETH JULIAN) “UNTIL now you have not proven anything except to sequester and sell. Hindi ka maniniwala.” Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa akusasyon na may nakaw na yaman si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Inihayag ng Pangulo sa talumpati nito sa League of Municipalities of the Philippines, sinabi nitong hangga’t hindi napatutunayan ay nananatili itong duda sa akusasyong may nakaw na yaman na nagkakahalaga ng $10 bilyon si Marcos. Napag alaman na naungkat ang isyu sa nakaw na yaman ng mga Marcos matapos nitong muling idepensa ang kanyang…
Read More‘ECONOMIC SABOTAGE’ SA BOC IIMBESTIGAHAN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAIMBESTIGAHAN ni House minority leader Danilo Suarez sa kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang delayed delivery ng mga cargo sa Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor na itinuturing nitong isang ‘economic sabotage’. Sa House Resolution 2399 na inakda ni Suarez, nababahala ito sa mga report na nadedelay ang pagdeliver ng mga cargo dahil sa iba-ibang kadahilanan tulad ng port congestion. “It has come to the attention of this representation that there has been a substantial delay in the delivery of cargoes from the MICT…
Read MoreKOMPANYANG TATANGGI SA KABABAIHAN MANANAGOT
NI BERNARD TAGUINOD) MAYROONG 12 taong pagkakakulong, multa at pagkansela sa kanilang business permit ang kakaharapin ng mga opisyales ng isang kumpanya o negosyo na tatanggihan ang mga babaing aplikante dahil sa 105 days maternity leave law. Ito ang babala ng Gabriela party-list group sa mga negosyante matapos lumutang ang posibilidad na hindi na kukuha ng mga babaing staff matapos maging batas ang Republic Act (RA) 11210 o Expanded Maternity Leave Law. “Labag ito sa Magna Carta of Women at sa mismong RA 11210 o Expanded Maternity Leave Law dahil nakasaad…
Read MoreSOLON KONTRA PA RIN SA MEDICAL MARIJUANA
(NI BERNARD TAGUINOD) SA sandaling maging legal na ang paggamit ng marijuana bilang gamot o medical marijuana, hindi malayong payagan na rin ang creational use ng ilegal na droga na ito na kinababaliwan ng mga adik. Ito ang babala ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza hinggil sa nasabing panukala na ipinasa na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa at inaantay na lang ang bersyon ng Senado para maging batas. “There’s no question medical marijuana will serve as the gateway for the widespread consumption of the mind-altering…
Read More