(NI BERNARD TAGUINOD) “(PERO ano ba ang ikinatatakot ng mga senador sa itemized budget?” Sagot ito ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado matapos ibuking ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mayroong P79 bilyon sa P3.757 trilyon national budgt ngayong taon ang nirere-allign umano ng Kamara. Sa statement ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., walang pagtanggi na inilutang na halaga ni Sotto na nirereallign umano ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Gayunpamam, sinabi ni Andaya na ginagawa lamang ng mga ito ang…
Read MoreTag: Congress
P79-B ‘ISININGIT’ NG KAMARA SA 2019 NAT’L BUDGET — SOTTO
UMAABOT sa P79 bilyon umano ang isiningit sa orihinal na ratipikasyon ng 2019 national budget, ayon sa pagbubunyag ni Senate President Tito Sotto. Binanggit ni Sotto ang report mula sa Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) na nakikipag-ugnayan sa House Appropriations committee kaugnay ng pambansang pondo ng bansa. Nabatid na nasa P79 bilyon ang inilagay sa budget ngayong taon na wala o hindi bahagi ng napag-usapan sa bicam. Niratipikahan na ng Kongreso ang P3.8 trilyong 2019 budget noong February 8. Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito…
Read MorePAG-USBONG NG RELIGIOUS GROUPS HIHIGPITAN
(NI ABBY MENDOZA) DAHIL maraming indibidwal o grupo ang ginagamit ang pagkakaroon ng religious groups o organisasyon para makapanloko ng kapwa,isinusulong ng isang partylist group ang isang panukala kung saan magkaroon ng sistema na kikilala at magsesertipika sa mga lehitimong religious groups. Layon ng House Bill 9038 o Church Recognition Act na inihain ng Kabayan Partylist na protektahan ang publiko laban sa mapanlinlang na grupo na ginagamit ang relihiyon para sa pansariling interes. “Unfortunately, not all religious groups or organizations are established for legitimate purposes, particularly that of propagating their religious…
Read MoreBUDGET SA PABAHAY SA 2020 IPINASUSUMITE NA SA DBM
(NI ABBY MENDOZA) INATASAN na ng House of Representatives ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na magsumite na sa Department of Budget and Management ng panukalang budget para sa susunod na taon. Sa naging pagpupulong ng House committee on housing and urban development kaugnay ng status ng preparasyon ng implementing rules and regulation para sa bagong housing department, iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan na ngayon pa lamang ay maihanda na ang budget ng departamento na mangangasiwa sa housing program ng gobyerno. Sa meeting na pinangunahan ni…
Read More16-M BAHAY MAKIKINABANG SA MURANG KURYENTE BILL
(BERNARD TAGUINOD) MAKIKINABANG ang may 16 milyong pamilyang Filipino sa Murang Kuryente Bill na inaprubahan na ng Bicameral conference committee, ayon sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Gayunman, inaasahan na sa Hunyo 2019 pa ito mapapakinabangan ng sambayanang Filipino dahil sa Mayo 20 pa inaasahang raratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “This will lighten the burden of Filipinos from high cost of electricity without hurting the government coffer,” ani Marindue Rep. Lord Allan Velasco, chairman ng House committee on energy. Sa ilalim ng…
Read MoreMAS MARAMING BABAENG WAGI DASAL SA ELEKSIYON
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAASA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas maraming babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ang mananalo sa darating na eleksyon. Kasabay nito, umaasa din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na matigil na ang pagbibiro ng mga lider ng bansa tulad ng rape na nakakasakit sa damdamin ng mga kababaihan. “Sana mas marami pang mahuhusay at marangal na babae ang mahalal sa pwesto para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran. Sana ang pagbibiro ng rape, pambabastos ng babae at pangaabuso ng kapwa dahil sya…
Read MoreBANTA NG SOLONS: DIOKNO ‘DI PWEDENG ‘DI DADAAN SA CA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) KUNG nakaiwas man si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa imbestigasyon ng Kamara sa mga kuwestiyonableng transaksyon nito sa kanyang dating tanggapan, wala itong ligtas sa nasabing isyu pagdating sa Commission on Appointment (CA). Ito ang tila banta ng Kamara kay Diokno na itinalaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso laban sa kanya. Tinaliwas din sa Kamara ang unang sinabi ng Palasyo na hindi na kailangang dumaan pa…
Read MoreDU30 ‘DI SASAWSAW SA GIRIAN NG LEHISLATURA
WALANG planong makisawsaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa gusot sa pagitan ng mga mambabatas. Ang giriiang ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin naisusumite sa tanggapan ng Office of the President ang panukalang 2019 Pambansang Budget. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na hindi kailanman nanghimasok ang ehekutibo kung may mga pagkakaiba man sa opinyon ng mga kongresista bagkus kailangan anya itong maplantsa nang sila sila ang nag uusap. Ayon kay Panelo, hindi ugali ng Pangulo ang makisawsaw sa trabaho ng Lehistratura. Kamakailan ay sinabi ni Outgoing DBM…
Read MoreLIDERATO NG KAMARA CLOSED BOOK NA KAY DIOKNO?
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na interesado ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ituloy ang imbestigasyon laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at ngayo’y Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno. Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., wala rin itong masabi sa appointment ni Diokno sa BSP kundi “…just another day in office”. Ang kongresista ang pasimuno sa imbestigasyon kay Diokno ukol sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding ng…
Read More