GOV’T EMPLOYEES ASAM DIN SA DAGDAG-SAHOD

sahod55

(NI BERNARD TAGUINOD) BUKOD sa mga public school teachers, umaasa rin ng dagdag na sahod ang mga ordinaryong government employees sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kaya nag-aabang umano ang mga ordinaryong empleyado ng gobyerno kung iaanunsyo ni Duterte na kasama ang mga ito sa tataasan ng sahod. Ayon kay Gaite, ang isang empleyado ng gobyerno na may pinakamababang posisyon ay Salary Grade 1 lamang ang katumbas ng kanilang sahod o P10,640 kada buwan. Hindi…

Read More

GOBYERNO ‘DEADMA’ NA SA PANINIRA SA ‘PINAS

panelo

(NI BETH JULIAN) HINDI na pag-aaksayahan pa ng panahon ng gobyerno ang paninira sa Pilipinas sa mata ng International Community ng ilang mga organisasyon. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala silang  balak na magsagawa pa ng imbestigasyon sa lumutang na report na nagsabing posibleng  may international growth na konektado sa Communist Party of the Philippines ang kumilos kaya ‘t nagkaroon ng resolusyon ang Iceland para imbestigahan ang sitwasyon ng karapatan pantao sa bansa. Iginiit ni Panelo na hahayaan na lamang nila ito dahil…

Read More

SEA GAMES ILAYO SA CORRUPTION – DU30

duterte32

(NI BETH JULIAN) AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabahiran pa ng kurapsyon  ang Sea Games. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung bakit mas gusto ni Pangulong Duterte na gobyerno na lamang ang humawak sa international sports event. Sa November11 hanggang December 10 gaganapin ang SeaGames sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Matatandaan na lumabas na ang ilang ulat na ayaw ipahawak ng Pangulo sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee ang Sea Games na pinamumunuan ng chair nito na si Rep. Alan Peter Cayetano. Sinabi…

Read More

LADY COP BAGONG PCSO GENERAL MANAGER

pcso44

(NI FRANCIS SORIANO) PORMAL nang ipinakilala sa publiko ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bago nilang General Manager (GM)  matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa PCSO, inilagay bilang bagong GM ng PCSO si dating Cebu City police chief P/COL Royina Garma bilang kapalit ni Marine Gen. Alexander Balutan, matapos itong sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil umano sa seryosong alegasyon sa korapsiyon. Si Garma ay nagtapos sa Philippine National Police Academy ng Bachelor of Science in Public Safety, Master in Education Management at Executive Doctor in Leadership sa Rizal Memorial…

Read More

SOCIAL WELFARE ATTACHES SA MGA OFWs PIRMADO NA

(NI BETH JULIAN) TIYAK nang maiibsan ang pang aabuso sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa. Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang tutukan pa ng gobyerno ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Pinirmahan na ng Pangulo ang Republic Act No. 11299 na nag aatas sa Department of Social Welfare and Development  (DSWD) na magtatag ng social welfare attaches sa mga bansang mataas ang bilang ng mga Filipino. Sa ilalim ng batas, mapabibilis nang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan…

Read More

STUDENT FARE DISCOUNT BATAS NA

fare44

(NI BETH JULIAN) NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagsusulong na gawing permanente ang student discount sa mga estudyante sa mga public utilities. Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11314 na nagkakaltas sa 20 percent na diskwento sa pamasahe sa mga estudyante. Sa ilalim ng batas, saklaw nito ang mga tren, jeep, bus, taxi, tricycle, barko at eroplano at ang iba pang mga pampubliko sasakyan. Exempted naman dito ang mga   school services, shuttle at tourist vehicles at kahalintulad na serbisyo. Dito…

Read More

DFA, PDU30 ‘LAST SAY’ SA UGNAYAN SA ICELAND

dfadu30

(NI BETH JULIAN) ANG Department of Foreign Affairs at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya kung pananatilihin ang ugnayan nito sa Iceland o alinmang bansa. Ito ang binigyan diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaugnay sa resolusyon ng 18 bansa sa pangunguna ng Iceland na kumukuwestyon sa mga patayan sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. Ito ay kasunod na rin ng panukalang pinalutang ng isang senadora at sa umano’y konsiderasyon sa posisyon din ng DFA sa pakikipag ugnayan sa Iceland kasunod ng usapin. Sa personal na opinyon ni…

Read More

MARINE BUREAU ITATATAG NI DU30

seaman33

(NI BETH JULIAN) SA layuning matiyak ang kapakanan ng mga Filipino Seafarers, pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng Marine Bureau. Ang plano ng Pangulo ay nag-ugat sa mga ulat na natanggap na maging ang mga seafarers ay hindi nakaliligtas mula sa mga illegal recruiter. “Maybe I can create the office of OFW pati ‘yung isa, meron pa ako ‘yung sa marino, a marine bureau. Ganun din ang ano… It’s always the case of a bad recruitment, starting with a bad recruitment tapos kawawa ‘yung Pilipino,” pahayag ng…

Read More

64 SINIBAK NA BOC PERSONNEL PAGLILINISIN SA PASIG RIVER

customs55

(NI CHRISTIAN DALE) MATAPOS sibakin sa puwesto, inutusan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 64 empleyado ng Customs na maglinis ng Pasig River malapit sa Malakanyang. Ang 64 tauhan ng admin section ng Bureau of Customs (BoC) ay sinibak ng Pangulo dahil sa katiwalian. Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Pasasalamat for Overseas Filipino Workers Lapu Lapu Grandstand, Camp General Aguinaldo, Quezon City, tiniyak nito na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang sinibak kundi ang 64 na tauhan ng admin section. “Yesterday, tinanggal ko…

Read More