NO CONTACT APPREHENSION VS COLORUM TNVS DRIVER, PEKE

grab22

(NI BETH JULIAN) MARIING itinanggi ng Malacanang ang mga naglabasang ulat na may memorandum na nag-aatas ng no-contact apprehension sa mga colorum o ilegal na transport network vehicle services (TNVS) drivers o operators. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang utos mula sa tanggapan ng Pangulo kaugnay sa nasabing dokumento. “The Office of the President advises the public that Executive Secretary Salvador Medialdea has not signed or caused the release of a particular document, which is labeled as Memorandum No. 636, purportedly adopting a no-contact apprehension for (TNVS) drivers or…

Read More

64 SISIBAKING BoC PERSONNEL IPINATAWAG NI DU3O

customs55

(NI BETH JULIAN) HAHARAP sa Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang nasa 64 na personnel ng Bureau of Customs (BoC) na kanyang sisibakin dahil sa corruption. Ayon sa Pangulo, ipinatawag niya sa Malacanang ang mga Customs personnel para malaman ang kanilang panig kaugnay sa isyu ng kurapsyon sa ahensya. “I will be dismissing something like 64 Customs officials. In the meantime that the cases are being heard, in obedience with the rule of the right to be heard, I want [them] to be here in Malacanang,” wika ni…

Read More

KAMAY NG CHINA SA CHA CHA, NAGPAPARAMDAM

chacha33

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinaisantabi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kamay ang China sa Charter Change (Cha Cha) na isinulong ng Duterte administration dahil mawawala na ang hadlang sa mga Chinese nationals na makapagnegosyo at makapagtrabaho sa Pilipinas. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, kailangang hadlangan ng mamamayang Filipino ang Cha Cha na prayoridad umano ni incoming House Speaker Allan Peter Cayetano dahil kung hindi ay makokontrol na ng China ang ekonomiya ng bansa. “This Cha-cha will not only open up the Philippines…

Read More

64 BoC PERSONNEL SISIBAKIN NI DU30

customs

(NI BETH JULIAN) INIANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte na 64 na opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BoC) ang kanyang sisibakin. Sa katatapos na pagpupulong  sa Malacanang, pinatawag na ng Pangulo ang mga opisyal at kawani g BoC. Sa salita ng Pangulo, sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa mga ipatatawag niyang opisyal at kawani ng BoC na gumawa ng implementing rules kung paano hindi makapagnanakaw sa gobyerno. Ayon pa sa Pangulo, inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa 64 na kawani at opisyal ng…

Read More

P4.7-M GAGASTUSIN SA SONA 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) GAGASTOS ang taumbayan ng P4.7 million para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22. Ito ang kinumirpa ni House Secretary General Roberto Maling sa press briefing nitong Huwebes  ukol sa ginagawang preparasyon sa ikaapat na SONA ni Duterte. “Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling nang tanungin kung magkano ang gagastusin sa SONA subalit mas maliit umano ito P4.9 million na ginastos noong 2018. Gagamitin umano ang nasabing halaga sa supplies and materials at mga iba pang aktibidad…

Read More

SIMPLENG ATTIRE SA SONA IPINAKIUSAP

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) umaasa ang liderato ng Kongreso na sumunod ang mga bisita, kasama na ang mambabatas, sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte maging simple lang sa kanilang pananamit. Sa press briefing nitong Huwebes ng hapon, sinabi ni House Secretary General Roberto Maling, na naipadala na ang mga imbitasyon para sa mga bisita na dadalo sa ikaapat na SONA ni Duterte sa Hulyo 22. Kasama sa mga nilalaman umano ng imbitasyon ay abiso sa mga bisita na magsuot lang ng…

Read More

EMERGENCY POWERS KAY DU30 ISUSULONG

duterte traffic33

(NI NOEL ABUEL) ISUSULONG sa Senado ni Senador Francis Tolentino ang emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang matinding problema ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan. Sa ilalim ng inihain nitong Senate Bill no. 213, o Special Emergency Power Act, ipinadedeklara nitong national emergency ang lumalalang trapiko sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, at iba pang highly urbanized cities. Paliwanag ni Tolentino, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sa MM pa lamang ay nawawalan na ng P3.5 bilyon kada araw dahil sa traffic and congestion crisis kung…

Read More

SURVEY RESULTS MAHALAGA PERO …

duterte100

(NI BETH JULIAN) IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Durerte na mahalaga sa kanya ang resulta ng satisfaction rating sa mga survey. Sa pinakahuling resulta ng SWS survey, pumalo sa +68 o very good ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa ikalawang quarter ng taon pero patuloy na  binibigyan diin ng Pangulo na mas mahalaga pa rin para sa kanya na magampanan ang kanyang tungkulin. Higit na ikinatutuwa ng Pangulo na nakikitang kontento sa kanyang trabaho ang publiko pero kung hindi naman ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho nang husto…

Read More

DU30 MAS OK MASANGKOT SA EJK KAYSA CORRUPTION

duterte15

(NI BETH JULIAN) MAS nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maakusahan sa isyu ng extra judicial killings kaysa masangkot sa kurapsyon. Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte  sa oathtaking ng mga bagong appointed na government officials sa Malacanang. “Walang problema sa akin, kasuhan o isangkot ako sa isyu ng EJK, ang ayaw ko isangkot ako sa corruption,” sabi ng Pangulo. Ang reaksyon ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Duterte sa…

Read More