NIYANIG ng 5.5 na lindol ang Surigao Del Norte Linggo ng umaga ayon sa Phivolcs. Ang pagyanig ay maituturing na aftershock sa magnitude 5.9 quake na naganap noong Biyernes ng gabi. Ang lindol kaninang alas-6 ng umaga ay may lalim na 44 kilometro at ang epicenter ay nasa 42 kilometro sa east ng General Luna, ayon pa sa Phivolcs. Naitala naman ang intensity 1 sa kalapit na Gingoog town sa Misamis Oriental ganundin sa Cebu City. Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng major damage ang pagyanig, ayon sa Phivolcs. 326
Read MoreTag: LINDOL
WALANG PINSALA SA 5.9 LINDOL SA DAVAO ORIENTAL
WALANG naitalang pinsalang dulot ng 5.9 lindol na tumama sa Davao Oriental Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said. Naramdaman ang lindol bandang alas-4:03 ng madaling araw may 127 kilometro sa southeast ng Governor Generoso town. Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 114 kilometers at sinasabing aftershock pa ng magnitude 7.2 earthquake na tumama sa Davao Oriental noong December 29. Naramdaman naman ang Intensity 4 Davao City at San Josefa, Agusan del Sur. Intensity 3 sa…
Read MoreZAMBO DEL NORTE NIYANIG NG 5.4 LINDOL
NIYANIG ng 5.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Western Mindanao. Naitala ito kaninang alas-11:11 ng umaga. Natukoy ang epicenter sa layong 22 km hilagang kanluran ng Baliguian, Zamboanga Del Norte. May lalim itong 35 km at tectonic ang pinagmulan. Dahil dito, naramdaman ang sumusunod na intensities: Intensity V – Siocon, Zamboanga del Norte Intensity IV – Zamboanga City; Liloy, Zamboanga del Norte Intensity III – Sindangan & Labason, Zamboanga del Norte Intensity II – Dipolog City; Manukan, Zamboanga del Norte 324
Read MoreDAVAO OCCIDENTAL NILINDOL
NAKARANAS ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-10:26 ng gabi. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmula at may lalim na walong kilometro ang lindol. Naramdaman ang pagyanig sa layong 276 timog-silangan ng bayan ng Sarangani, partikular sa katubigan na sakop nito. Walang inaasahang aftershocks ang naturang pagyanig. 325
Read More143 AFTERSHOCKS NAITALA SA DAVAO ORIENTAL
(NI ARDEE DELLOMAS) UMABOT sa mahigit 140 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon ng tanghali. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum,143 aftershocks na ang kabuuang bilang na kanilang naitatala hanggang kaninang als-6:00 ng umaga. Sa naturang bilang karamihan umano ay hindi naramdaman. Kabilang sa naitalang aftershocks ay magnitude 5.6 lindol na yumanig sa coastal area ng Davao Oriental dakong 5:13 pm kahapon. Ayon kay Solidum, ang nangyaring malakas na lindol ay bunsod ng downward movement sa tail-end…
Read MoreRESIDENTE SA COASTAL AREAS ‘DI PA PINABABALIK MATAPOS ANG LINDOL
HINDI pa rin pinababalik ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Davao Oriental na nakatira sa tabing dagat kasunod ng 7.2-magnitude earthquake na tumama sa baybayin ng Governor Generoso bandang alas-11:39 ng tanghali. Sa Tsunami Information No. 2 na inilabas ng ala-1:42 p.m., sinabi ng PHIVOLCS na wala silang nakitang pagbabago sa taas na alon sa mga dalampasigan. Gayunman, hindi pa rin umano ligtas sa posibleng tsunami ang mga residente doon. Kabilang sa mga probinsiyang minamatyagan sa posibleng tsunami ang: Surigao Del Norte Surigao Del…
Read MoreDAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 7.2 LINDOL
NIYANIG ng magnitude 7.2 earthquake ang Davao Oriental Sabado ng alas- 11:39 ng tanghali, ayon sa Phivolcs. Ayon sa USGS, ang lindol ay tumama sa 101 kilometers southeast ng Pondaguitan. Magre-release ang Phivolcs ng tsunami warning dahil sa lakas ng lindol. Inaasahan na din ang aftershocks. Naramdaman ang lindol na intensity IV sa General Santos, intensity III sa Kidapawan at intensity II sa Surigao area. 384
Read MoreCALATAGAN, BATANGAS NILINDOL
(Ni FRANCIS ATALIA) NAKARANAS ng lindol na may magnitude 3.5 ang bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 99 kilometers. Naitala ang pagyanig sa 17 kilometers Southeast ng bayan ng Calatagan, 1:48 ng madaling araw. 582
Read More