KAALAMAN NG PUBLIKO SA ML, KULANG — IMEE

imee66

(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Imee Marcos na kasalanan din ng kanilang pamilya kung may kakulangan sa kaalaman ngayon hinggil sa Martial Law. Ang pag-amin ni Marcos ay kasunod ng kanyang pagpabor sa pagtuturo ng Martial Law sa University of the Philippines. “Karapatan naman ng UP, yan may academic freedom naman talaga,” saad ni Marcos. “Maganda rin na pinag-aaralan…At least sana bigyan din kami ng pagkakataon na sabihin kung ano ang pagkaalam namin sa nangyari. Importante dun na may view points ng bawat isa at maririnig ang bawat isa,”…

Read More

INDANAN BOMBING ‘DI SAPAT SA ML EXTENSION — AFP

(NI AMIHAN SABILLO) MAAGA pa umano para irekomenda ang panibagong martial law extension sa Mindanao matapos ang mga pagsabog sa Indanan, Sulu, ayon sa Armed Forces. Kasabay nito, naniniwala rin si  PNP spokesperson Police B Gen Bernard Banac na nakatulong ang Batas Militar sa Mindanao para panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa lugar, kahit pa nakalulusot pa rin ang ilang mga pag-atake ng mga teroristang grupo. Sinabi pa ni Banac, na posibleng mas maraming pag-atake at pambobomba ang naisakatuparan kung walang martial law. Ipinunto pa ng opisyal na dahil sa…

Read More

DU30 DEADMA NA SA MARTIAL LAW SA NEGROS

negros oriental44

(NI BETH JULIAN) TALIWAS sa naunang pahayag, wala na ngayon sa hinagap ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law sa Negros Oriental. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala na sa agenda ng Pangulo ang pagdedeklara ng martial law sa nasabing lalawigan dahil wala namang nagaganap na state of rebellion doon. “Sa ngayon kasi unbridled patayan pa lang nangyayari. Kasi under the Constitution, dapat may rebellion para magdekla ng Martial Law,” pahayag ni Panelo. Ipinaliwanag ni Panelo na nakapaloob sa Constitution na maari lamang ipatupad ang martial law…

Read More

MARTIAL LAW GAGAGAPANG BUONG BANSA– SOLON

martial law

(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAPANG na sa buong bansa ang Martial Law kapag tuluyang naisailalim sa batas militar ang Negros Oriental dahil umano sa mga patayan sa nasabing probinsya sa mga nagdaaang mga araw. Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil hindi isinasara ng Palasyo ng Malacanang ang posibilidad na isailalim sa martial law ang lalawigan ng Negros Oriental. “They are already setting the stage for that (martial law sa buong bansa),” ani Zarate lalo’t nagsisimula na rin umano ang patayan sa Bicol region kung saan 63…

Read More

MILITAR HANDA NA SA MARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL22

(NI AMIHAN SABILLO) HANDA na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa bahagi ng Negros Oriental, sakaling magpalabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ito sa batas militar. Ito ang inihayag ni 3rd Infantry Division Commander Maj. Gen. Dinoh Dolina, na sila ay tatalima sa anumang ipag-utos ng nakatataas para sa pagprotekta at pagsunod sa mandato ng AFP. Samantala, inamin naman ng opsiyal na mayroon talagang problema sa pamamayagpag ng New People’s Army sa Negros Oriental na dapat nang matuldukan dahil sila itinuturong nasa likod ng mga patayan. Ang…

Read More

GO: MARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL ‘DI  MANGYAYARI 

negros oriental44

(NI NOEL ABUEL) PINAWI ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pangamba ng ilang sektor na magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng sunud-sunod na nangyayaring patayan sa lalawigan ng Negros Oriental. Aniya, isang abogado si Pangulong Duterte at batid nitong ang Martial Law ay maaaring ideklara lamang kung may sapat na basehan. “Si Pangulong Duterte, abugado po ‘yan. Hindi naman po kailangan at wala namang basehan na dapat i-declare ang Martial Law. Hindi po gagawin ni Pangulong Duterte ‘yan, knowing him for the past twenty-one…

Read More

MARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL PINAG-AARALAN NA NI DU30

martial law

(NI BETH JULIAN) IKINOKONSIDERA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng Martial Law sa Negros Oriental. Sa press briefing  kanina sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagkausap sila Miyerkoles ng gabi ng Pangulo kung saan isa lamang ito sa sinasabi ng Pangulo na bahagi ng ipatutupad niyang emergency powers para mapigilan ang patuloy pamemerhuwisyo at paghahasik ng karahasan ng NPA sa lalawigan. Ayon kay Panelo, kung sakali ay posibleng hiwalay na deklarasyon ito ng ML at walang lalabagin na probisyon sa Saligang Batas. Sinabi ni Panelo…

Read More

MARTIAL LAW MALABO PA SA NEGROS

negros oriental44

(NI AMIHAN SABILLO) WALA pang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isailalim ang lalawigan ng Negros sa Martial Law. Ito ang nilinaw ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa pagsasabing may sapat na pwersa ang AFP sa lalawigan at walang dahilan para dagdagan pa ito. “There was no proposal from the AFP to declare ML (martial law) in Negros. We have sufficient forces on the ground no need to add more. But we can consult with the local chief executives and look at the situation on the…

Read More

NEGROS KILLINGS SENARYO NG ML SA VISAYAS REGION?

NEGROS ORIENTAL22

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang militanteng mambabatas na may gumagawa umano ng senaryo sa Negros Oriental upang maisailalim umano ang Visayas region sa Martial law. Ayon sa katutubong mambabatas na si Eufemia Cullamat, ng Bayan Muna party-list group, sinabi nito na hindi malayong isunod ang Visayas region sa Mindanao na nasa ilalim ngayon ng Martial Law. “Nakalulungkot na mukhang hindi lang Mindanao ang target nilang may Martial law sa bansa pati ang Negros ay mukhang ginagawan ng scenario ng nga ahente ng gobyerno sa pagtindi ng mga patayan doon,”…

Read More