(NI MAC CABREROS) UPANG matugunan ang bultong order sa pagpasok ng holiday season, nangangalap ngayon ang shoe industry sa Marikina City ng libu-libong manggagawa, inihayag ngayong Huwebes nina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro at Mr. Antonio Andres, pangulo ng Philippine Footwear Federation Inc. Ayon kina Teodoro at Andres, bukod sa manggagawa ay naghahanap din ang 54 manufacturers ng mga designer. “Nais nating mapaangat ang antas sa kalidad o tibay at disenyo ng ating mga sapatos para hindi tayo mapag-iwanan sa style at technology bunsod nang paghigpit ng kompetisyon,” ayon kay Teodoro…
Read More