Thrilla In Manila: More than a fight

MULA noong lumabas siya sa kanyang lungga makaraan ang kanyang suspensiyon dala ng pagtangging magsilbi sa military, halata ang naging pagbabago ni Muhammad Ali sa kanyang pananaw sa buhay.

Nang siya’y pahintulutang makabalik sa boksing, makaraan ang tatlong taong sapilitang pagpapahinga at napatulog si Jerry Quarry sa City Auditorium ng Atlanta noong Oktubre 26, 1970, kinakitaan na ng pagbabago si Ali, nagmatyur sa pisikal at pagiisip. Ang kanyang dilang dati ay matalim ay lumambot.

Napansin ito sa mga sumunod niyang laban kina Chuck Wepner, Ron Lyle, Joe Bujgner at George Foremen, nang mabawi niya ang korona sa heavyweight para maging pangalawang boksingero lamang na nakuha ang titulo ng dalawang beses.

Natuto siyang kumatha ng mga salitang “Rope-A-Dope na ginamit niya laban kay Foreman, “Mirage” at “Russian Tank.”

Noong huling kabanata ng kanyang limang taon at tatlong laban kay Smokin ‘ Joe Frazier sa Mayila noong Oktubre 1, 1975, tinawag niya ang mahigpit na karibal sa pangalang “Gorilla,” na ‘di na nabura sa isipan ng fans sa boksing at sports sa pangkalahatan.

Sa unang paghaharap nila ni Frazier noong 1971 sa New York kung saan ay nakatikim siya ng kauna-unahang pagbagsak sa lona at kauna-unahan ding pagkatalo, lumabas ang ‘di nila pagkagusto sa isa’t isa, bagamat kinakitaan din ng paggalang sa bawat isa.

Matapos ang ikalawang pagtutuos, tumabla si Ali na lalong napagtindi sa kumpiyansa nila sa sarili at isiping ang Super Fight III o Thrilla in Manila ay magiging klasiko, na siya namang nangyari.

Ang pangatlo nilang pagkikita na nangyari sa Pilipinas ang nagpakilala kina Ali at Frazier kung ano talaga ang kanilang pagkatao.

Kung sino sila.

Ang malaki nilang puso na hindi sumusuko.

Ang huli nilang pagtatagpo na tinagurian ding Fight of a Lifetime, ang lumabas na pinaka-brutal, pinaka-malupit at pinaka-madugo sa lahat ng trilohiyang naganap at ­gaganapin pa.

Wika nga ng bantog na mamamahayag na si Red Smith, isa sa mahigit na 300 mediamen na dumating sa bansa para magkober ng laban: “You’re lucky to have this fight happen in your country.

You have to thank your government, President (Ferdinand) Marcos for bringing the fight here.

“No other third world country, if any, could ever duplicate the pride the two protagonists had been able to generate in their three-fight saga,” wika ni Ginoong Smith sa reporter na ito sa dapat ay victory party na nauwi sa pasasalamat ni Frazier sa media sa Hyatt Hotel noong gabi matapos ang laban.

Ayon naman sa iba pang mediamen, ang Ali-Frazier III ay mahigit pa sa laban ng dalawang boksingero.

Nagkakaisa sila sa pagsasabing ang naturang sagupan ay hindi na makakalimutan sa

mundo ng boksing kailan pa man.

158

Related posts

Leave a Comment