HINDI nakapalag ang isang 25-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga nang arestuhin sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Conde Street malapit sa Bilibid Viejo St., sa Barangay 391, Quiapo, Manila noong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si alyas “Awit”, jobless, residente ng Quiapo, Manila.
Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo, Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section, 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Nakumpiska mula sa suspek ang 54 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P367,200 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)
2