TULOY ANG PAG-AABUSO SA MGA MANGGAGAWA

endo44

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULOY ang pang-aabuso sa mga Filipinong mangagawa na nabibilang sa mga Endo Workers ng mga negosyante dahil sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Dututerte sa Security of Tenure (SOT) bill.

Ito ang ikinatatakot ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza matapos iveto ng Pangulo ang naabing panukala kung saan kinastigo nito ang mga foreign chamber of commerce at mga economic managers ng Pangulo dahil pananakot ng mga ito imbes na tapusin ang aniya’ “decades old abuses against the Filipino workers”.

Unang kinastigo ng mambabatas ang mga foreign chamber of commerce dahil sa pagla-lobby ng mga ito na iveto ang SOT bill dahil marami umanong mga dayuhang negosyante ang natatakot na mamuhunan sa bansa dahil sa nasabing panukala.

Layong SOT bill na obligahin ang lahat ng mg employers na irregular ang kanilang mg empleyado at itigil na ang pagkuha ng mga manggagawa na hanggang limang buwan lamang  lang puwedeng magtrabaho.

“We reiterate that labor-only contracting, which the Security of Tenure bill seeks to end, is a modern form of slave labor. The foreign chambers and the economic managers should be ashamed of themselves.,” ani Mendoza.

Sinabi naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na lalong lalala ang labor contracting sa bansa dahil tuluyang inabandona umano ni Duterte ang mga manggagawa na kanyang pinangakuan noong nangangampanya pa lamang ito kaya siya ang ibinoto.

“This essentially means unli-job contracting that will trap more workers in short-term, low-paying, and unsafe employment,” ani Brosas subalit hindi umano sila titigil at maghahain muli ang mga ito ng panukalang batas laban sa Endo.

Maging si House ways and means committee chairman Joey Salceda ay nagsabi na kailangang ihain muli ang anti-Endo bill ngayong Kongreso dahil isa ito sa pangako ni Duterte sa sambayanang Filipino.

“It’s a campaign promise so Congress needs to formulate a measure that significantly complies with that commitment,” ani Salceda.

 

257

Related posts

Leave a Comment