WALANG PAGHIHIGPIT SA BORDERS NG NCR PLUS

ISINANTABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng border restrictions sa mga lugar ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na ang mga nabanggit na lugar ay nasa loob mismo ng NCR plus bubble kaya’t puwede nang hindi magpatupad ng anomang travel restrictions.

Sa kabilang dako, sinabi ni Abalos na kung magpapatupad man ng border restrictions ay maaring ipatupad ito sa ibang mga lalawigan gaya ng Pampanga at Quezon province.

“Sa ngayon po, wala naman pong border restrictions ‘no from Metro Manila to Cavite, Bulacan, Laguna and Rizal ‘no. Siguro po ang magiging border restrictions ay labas po nito ‘no, labas like Pampanga, etc., ‘no, labas po of the bubble; within the bubble po ito ay interzonal naman po tayo po rito,” ayon kay Abalos.

Magugunitang, isinailalim sa mas mahigpit na quarantine restriction ang NCR Plus bubble sa loob ng ilang linggo para maipatupad ang iisang hakbangin upang mapababa at mapigilan ang pagtaas ng kaso ng new variants ng virus.

141

Related posts

Leave a Comment