1 SA MGA SUSPEK SA PAGPASLANG SA LADY DRIVER SA LAGUNA, NATIMBOG

ARESTADO na ng Laguna police ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpaslang kay Jingle “Jang” Lucero, ang lady driver na tinadtad ng saksak sa Calamba City. Batay sa report ni Regional Director PBGEN Vicente Danao Jr., naaresto noong Biyernes si Shiela Montes Belarmino. Si Belarmino umano ang isa sa tatlong sumakay sa kotse noong gabi na pinatay ang biktima. Nakilala ang mga ito batay sa kuha ng CCTV at sa testimonya ng mga testigo. Sa kuha ng CCTV, nakita na sumakay sa harap ng isang convenience store ang…

Read More

Manatili sa bahay kung ayaw mamatay – Malakanyang PINAS 2ND SPOT SA MOST COVID CASES SA ASYA

HINDI na nagtaka ang Malakanyang sa inilabas ng John Hopkins corona virus resource center na ang Pilipinas na ang pangalawa sa Southeast Asia pagdating sa ‘most number of covid cases’. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay dahil sa wala pang bakuna sa bansa kontra covid kaya’t sumirit ang kaso ng nagpositibo sa COVID-19. “Well gaya po ng nasabi ko na po kanina hindi na po nakapagtataka ‘yang pagtaas ng kaso ng covid habang wala pa pong bakuna, habang wala pa pong gamot,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabilang…

Read More

Walang aktibong disease surveillance DOH KINASTIGO SA PAGLOBO NG COVID-19

MISTULANG kinastigo ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) sa kawalan ng epidemiological surveillance upang ma-monitor ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19) sa real time na isang malinaw na indikasyon kung bakit pumalpak ang ating pandemic response. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor and human resources na lubha nang nakaaalarma ang pagtaas ng bilang ng biktima ng COVID-19 sa bansa na kapag patuloy tumaas, magiging delubyo sa gobyerno upang maibangon ang ekonomiya. “Business confidence is tied with trust in the health sector…

Read More

DOH nagkasa ng emergency hiring HEALTH WORKERS SA CEBU, ‘SUKO’ NA

NAGSASAGAWA ngayon ang Department of Health (DoH) ng emergency hiring para sa mga health worker. Nakarating kasi sa Malakanyang na ang mga health worker sa Cebu ay burnout na at pagod na sa trabaho dahil sa pagdami ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, first priority na ngayon ang Cebu kapag dumating ang mga biniling personal protective equipment (PPE), ventilators at iba pa. “Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring para…

Read More

MGA SINUNGALING SA ABS-CBN IPAKUKULONG

NAIS ni House Deputy Majority Leader Jesus Crispin “Boying” Remulla na patawan ng contempt ang mga opisyal ng ABS-CBN at iba pang resource persons sa pagdinig sa prangkisa ng nasabing network na mapatutunayang nagsinungaling. “I am asking the committee to look into the deception employed by several persons who testified before the committee,” ani Remulla na isa rin sa vice chairman ng House committee on good government and public accountability. Ginawa ni Remulla ang pahayag bago natapos ang 10 oras na pagdinig ng komite kasama ang Committee on legislative franchises…

Read More

DOH NAKATUTOK SA 6 LUGAR SA NCR, CEBU

MAHIGPIT na monitoring ang isinasagawa ng Department of Health (DOH) sa anim na mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 nitong nakaraang linggo. Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila. Sa ulat mula kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, nananatili pa rin sa 7.7 kada araw ang case doubling rate at 60% lamang sa critical care facilities ng bansa ang nagagamit. KASO SA MUNTINLUPA, 505 INIULAT ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa…

Read More

Nakumpirma ng solon SUGALAN SA CASINO NASA VIP ROOMS

poker

NABISTO ng isang mambabatas ang ilegal na operasyon ng ilang casino sa Metro Manila na nagpapasugal sa mga VIP room o private rooms ng mga ito. Dahil dito, hiniling ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa national government na patawan ng mabigat na parusa ang mga casino at iba pang pasugalan na patuloy na nag-o-operate sa gitna ng community quarantine dahil inilalagay ng mga ito sa panganib ang kanilang mga kliyente. Nauna nang nakatanggap ng mga report ang mambabatas na ilang pasugalan sa Metro Manila ang nananatiling bukas at nagsasagawa…

Read More

BAKUNA NG SENIORS PINALILIBRE

ISINULONG ni opposition Senator Leila M. de Lima ang pagkakaloob ng libreng bakuna sa lahat ng senior citizens habang nasa gitna ng epidemya ang bansa. Sa inihaing Senate Bill No. 1641 ni De Lima, pinaaamiyendahan nito ang Section 4 ng Republic Act (RA) No. 7432, as amended by RA No. 9257, RA No. 9994, o ang “Expanded Senior Citizens Act Of 2010. “No less than the Constitution guarantees that the needs of the elderly in relation to their right to health shall be given priority by the State. Clearly, senior…

Read More

MGA BATA DAPAT TURUAN NANG MAGLAKAD

ISA sa mga hindi magandang kultura nating mga Filipino ay hindi tayo natutong maglakad ng medyo malayo-layo. Kahit malapit, sumakasay tayo ng jeep, bus at tricycle. Hindi tayo naturuan mula pagkabata na mahalaga sa kalusugan ng tao ang paglalakad ng malayo katulad ng iminulat sa mga tao sa ibang bansa katulad halimbawa sa Japan. Kahit sa mga probinsya lalo na sa kapatagan, bihira kang makakita ng mga tao na naglalakad ng malayo-malayo at lalong bihira kang makakita dito sa Metro Manila ng mga taong mas gustuhin ang maglakad kesa sumakay.…

Read More