APRUBADO na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang plano ng Centro Escolar University (CEU) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon mismo kay Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso, ang plano ng CEU ay inaprubahan na nito sa ginanap na meeting sa pagitan ng mga opisyal ng CEU na kinabibilangan nina CEU School of Dentistry Dean Dr. Pearly Lim, CEU Community Dentistry head Dr. Felipe Wilfredo Espineli at CEU Security Department head Col. Nicanor Grino. Sinabi ni CEU President Dr. Maria Cristina…
Read MoreDay: February 9, 2021
Mga ‘camera conscious’ SANHI NG TRAFFIC SA NLEX
NAGIGING dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa parte ng North Luzon Expressway na sakop ng Valenzuela City ang mga “camera conscious” na motorista na humihinto ‘pag malapit na sa camera gayong hindi naman dapat. Bunsod nito ay nagbigay ng paglilinaw si Mayor Rex Gatchalian at sinabing hindi kailangang huminto dahil mawawalan ng saysay ang barriers up. “For the motoring public of Valenzuela…you don’t need to do a full stop. Just hover at 30kph don’t do a full stop as it will defeat the purpose of barriers up,” sabi ni Gatchalian…
Read More‘3-STRIKE POLICY’ NG TRB PINALAGAN
KINASTIGO ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang planong ipatupad ng Toll Regulatory Board (TRB) sa tinatawag na ‘three-strike policy’ o pagpapataw ng parusa sa mga motorista na sa ikatlong pagkakataon ay pumasok sa expressway na wala naman umanong sapat na load ang gamit na Radio Frequency Identification (RFID) sticker. Ayon kay Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, bago puntiryahin ng TRB ang mga ordinaryo at regular na biyahero sa iba’t ibang tollways, dapat unahin nitong papanagutin ang concessionaire o operator na…
Read MoreOFWs PINAUUNA SA BAKUNA
UMAPELA si Senador Manny Pacquiao sa pamahalaan na bigyan ng prayoridad sa pagbabakuna ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sanhi ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Sa panayam matapos mamigay ng ayuda sa mga senior citizen at OFWs sa Quezon City, sinabi ni Pacquiao na dapat mabigyan ng prayoridad ang ating manggagawa na nawalan ng trabaho sa abroad upang makabalik na sila sa kanilang hanapbuhay. “Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga OFWs upang mas mabilis na makabangon ang ating ekonomiya na nalugmok sanhi ng…
Read MorePROTEKSYON NG VAX STORAGE PINATITIYAK
HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DOH) evaluators ng cold storage na tiyakin ang proteksiyon ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa. Kasabay nito, hinimok ni Go ang DOH na madaliin ang pag-apruba sa saliva testing ng COVID-19 upang maging mura ang pagsusuri ng sakit. Sinabi ni Go na pinaghirapan ng pamahalaan ang pagbili ng bakuna dahil nag-aagawan ngayon ang mga bansa sa suplay ng gamot. “Pinakamahalaga dito na walang masirang bakuna upang matiiyak na ligtas ang ating mamamayang Pilipino na mababakunahan,” ayon kay Go.…
Read MorePayo ng Palasyo ngayong Chinese New Year MAG-CELEBRATE PERO PAIRALIN ANG HEALTH PROTOCOLS
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na Biyernes, February 12. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang COVID-19. Sa kabilang dako, inanunsyo rin ni Sec. Roque na kasabay ng mahalagang pagdiriwang na ito ng mga kababayan nating Filipino-Chinese, binigyan na rin ng pahintulot ng Inter-agency Task Force (IATF) ang isang mall na malapit sa…
Read MoreCASE BUILD-UP IKINASA NG DA, DTI
MAY ikinakasa nang case build-up ang sub task group on economics na pinangungunahan ng Dept. of Agriculture at Dept. of Trade and Industry laban sa mga natuklasang nananamantala sa presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan. Sinabi ni DA Sec. William Dar, sa Laging Handa public briefing na tuloy-tuloy na ang kanilang pagmamanman sa mga trader at wholesalers ng baboy na itinuturong may mga pang-aabuso sa suplay at presyuhan ng meat products. Ikinasa ng DA at DTI ang hakbang na ito, kasunod ng lumutang na problema sa…
Read MorePUBLIC SCHOOLS GAGAWING VAX CENTERS
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring magsilbing vaccination centers ang mga pampublikong eskuwelahan kapag nagsimula nang mag-roll out ang gobyerno ng mass inoculation program laban sa COVID-19. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maaaring gamitin ng local government officials ang public schools sa urban areas para ma-accommodate ang immunization programs kapag walang makitang suitable venues gaya ng gymnasiums. “Wala pa namang klase. If there is no malaking mga coliseum or gym, then we will utilize the schools,” ayon sa pangulo. Inulit…
Read MorePAGPAPATUPAD NG MVIS PINASUSUSPINDE SA DOTr, LTO
INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang implementasyon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa gitna ng hindi nareresolbang isyu at reklamo na lubhang nagpapa-agrabyado sa motorista sa panahon ng pandemya. Sa pahayag, sinabi ni Poe na masyadong malapit ang timing ng implementasyon dahil marami ang naghihirap at nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya. “The timing of its implementation could not have been worse. We are still in the middle of a pandemic with no definite end in sight. Hindi ba pwedeng time-out muna…
Read More