ILANG SENADOR, IGINIGIIT ANG PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES

HALOS nagkakaisa ang ilang senador sa paggiit na dapat nang simulan ang pilot testing ng muling pagbabalik eskwela sa kabila ng pinakahuling desisyon ni Pangulong Roodrigo Duterte na walang face-to-face classes hangga’t walang vaccine rollout.

Sa pagdinig ng Senado sa epekto ng COVID-19 sa pag-aaral, hinimok nina Senators Sherwin Gatchalian, Kiko Pangilinan, Nancy Binay, Imee Marcos at Pia Cayetano na ituloy na ng Department of Education ang paghahanda at ang rollout ng pilot testing ng face-to-face classes.

“Hindi naman po ibig sabihin na kinansel ang face-to-face ay titigil na rin tayo sa pilot testing,” pahayag ni Gatchalian.

Sa presentasyon ng Department of Education, sinabi ni Usec Nepomuceno Malaluan, bago ang pinakahuling desisyon ng pangulo, handa na ang ahensya sa pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa may 1,065 na paaralan.

Para kay Binay, kailangan mas maging ‘persuasive’ ang DepEd upang makumbinsi ang gobyerno at ang IATF na payagan ang pilot testing.

“Kulang sa pursuasive powers ang DepEd. Baka kailangan paulit-ulit i-emphasize na pilong testing lang. Halimbawa part lang sa Batanes, Siquijor baka pwedeng doon muna para lang makita natin na it is possible or it is doable,” paliwanag ni Binay.

“Ako ‘yung isa sa mga senador na talagang mula’t sapul ayokong magsara ang mga eskwelahan natin. Sana mapatunayan na talagang karapat-dapat lamang na magbukas na ang mga school sa lalong madaling panahon. Nauna pa sana sa mga mall, arcade, sinehan, sabong,” pahayag naman ni Marcos.

Sa panig ni Cayetano, iginiit nito na maraming paraan upang matiyak pa rin ang kaligtasan ng mga estudyante kahit magpatupad ng face-to-face classes.

Kung hindi naman sa loob ng classroom, sinabi ni Cayetano na pwede rin itong gawin sa open spaces. (DANG SAMSON-GARCIA)

36

Related posts

Leave a Comment