PAGSASAAYOS SA BOC: KONTROL SA PAs INILIPAT SA IAS

GUERRERO-2

(Ni Nelson S. Badilla)

Naglabas ng direktiba si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na naglilipat sa Import Assessment Service (IAS) ang “operational control” ng principal appraisers (PAs) upang higit pang maisaayos at mapabuti ang tungkulin ng ahensya sa paniningil ng buwis sa mga produktong pumapasok ng bansa.

Ngunit, inilinaw ni Guerrero na ang “administrative supervision” ng PAs ay mananatili sa District at Sub-port Collectors.

Ang pagbabagong ito ay nakasaad sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 26 – 2018.

Idiniin ni Guerrero sa nasabing memorandum na “All concerned PAs are hereby directed to ascertain the truth or accuracy of any statement, document, or declaration presented for customs valuation purposes.”

Batay sa bagong kaayusan, ang IAS ay mahigpit na imomonitor ang lahat ng PAs.

Titiyakin din nito na magiging wasto ang valuation ng mga produkto gamit ang “applicable methods of valuation” alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Tiniyak din ni Guerrero na hindi papayagan ng pamunuan ng BOC ang maling valuation at assessment sa mga produktong pumapasok sa mga pantalang nasa hurisdiksyon ng nasabing ahensya.

Aniya, pihadong aaksyonan at pananagutin ng pamunuan ng BOC ang mga magbibigay ng maling halaga at pagtatasa sa mga produkto na dadaan sa PAs.

Idinagdag din ni Guerrero na mahigpit na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan ang MISTG sa IAS upang maging matagumpay ang implementasyon ng bagong direktiba ni Guerrero.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment