TIPS PARA SA PAGLILINIS IN 10 MINUTES

PAGLILINIS-1

Sa mabilis na takbo ng buhay, maraming mga bahay ang iwan na iwan o talagang masasabing napapabayaan kaya’t ito ay magulo at halos hindi bahay na matatawag.

Isa ba ang inyong mga bahay sa marumi, magulo at wala talagang kaayusan?

Kahit pa anong busy natin sa araw-araw ay kailangang may routine rin tayong sinusunod upang hindi nananatiling wala sa ayos ang ating kapaligiran lalo ang loob ng ating pamamahay.

Ito ang ilang tips para ma-ging madali ang pag-aayos ng inyong tahanan:

box-1– Maghanda ng malaking box para sa mga gamit na liligpitin o isasaayos. Bitbitin ito sa bawat kwartong lilinisin o madadaanan na kahit may kaunting oras lamang ay mabilisan ngunit maayos na maiiwan ang mga kwarto.

– Isa sa mga una at madaling gawin ay ang pag-aayos ng mga kama. Ang bawat kwarto na may kama ay kayang maayos sa loob ng 30 segundo. Sanayin ang sarili na sa paggising pa lamang sa umaga o kahit sa tuwing gigising ay ligpitin na agad ang hinigaan. Isa-isa nang ayusin ang mga unan at kumot, kabilang na ang bedsheet.

Kung marumi na ang inyong kobre-kama, mga unan ay agad na itong ilagay sa laundry basket at itabi. Agad ding palitan ang kama at mga unan lalo na at may sapat pang oras kayong natitira.

– Pulutin ang mga damit, basahan at iba pa. Huwag tamarin at libutin ang buong kwarto sa mga mapupulot na mga gamit nang mga damit na nasa sahig, upuan at iba na nasa tabi ng cabinet. Itabi rin ang mga laruang mga nakakalat at iba pang mga gamit na nakahambalang sa mga daraanan.

– Iligpit ang mga sapatos. Tulad ng mga damit, isalansan nang maigi ang mga sapatos na madadampot sa loob ng bawat kwarto.

– Ipwesto sa iisang lugar ang remote controls. Kung sa loob ng isang kwarto ay may tatlong remote controls o higit pa, maglaan ng lagayan at pwesto kung saan lamang ito makikita at madaling makuha. Sa tuwing matatapos itong gamitin ay maiging ibalik din ito kung saan ito nakaayos ng pagkakalagay.

Maigi rin na magkaroon ng label ang box na bibitbitin para rito ilagay ang mga bagay na i-pamimigay na, halimbawa.

cords– Ayusin ang cords. Palaging isaayos nang mabuti ang iba’t ibang uri ng cords, maging ito man ay charger, kahit USB o universal service bus cord lamang. Sa dami ng gad-gets sa bahay asahang maraming cords din ang matatagpuan dito kaya’t regular itong ayusin, kunin at ibalik sa iisang lugar lamang upang hindi maging makalat o mawala.

– Linisin ang desk. Ang table desk o anumang lugar na madalas o la¬ging patungan sa bahay ay palagi ring nakikitaan ng mga kalat. Ang mga nakakalat na gamit dito ay tulad ng paperclips, pens, coins, at kung anu-ano pa. Pero kung ang mga ito ay nasa tama at pare-parehas na lagayan ay maaliwalas itong tingnan pati na ang buong kwarto.

248

Related posts

Leave a Comment