SAMPU ang namatay sa Caloocan at Navotas dahil sa COVID-19 sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nasabing mga lungsod.
Ayon sa ulat, pito ang patay sa Caloocan City at 1,437 ang active cases noong Abril 11. Umakyat sa 20,991 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 18,940 na ang gumaling at 614 na ang namatay.
Tatlo naman ang patay sa Navotas noong Abril 10 at 1,407 ang active cases. Sumampa na sa 9,435 at tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa bilang na ito ay 7,756 na ang gumaling at 272 na ang namatay.
Wala namang naiulat na namatay sa Malabon City at mapalad na nanatili sa 353 ang COVID-19 casualties. Samantala, 61 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,656 na ang positive cases sa siyudad, 789 dito ang active cases.
Habang 64 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 9,514 ang recovered patients sa lungsod.
Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na bagong datos ang Valenzuela ukol sa COVID-19 cases sa kanilang lungsod. (ALAIN AJERO)
390 