Payo ng MMDA kapag inabot ng curfew sa daan MAGPAKITA LANG NG ID

WALA nang magiging problema ang mga manggagawa na maabutan ng curfew hour sa daan.

Simula nitong Lunes ay mula alas-8:00 na ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang curfew hours sa Metro Manila.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na maski ID na lamang ng isang manggagawa ang ipakita sa mga barangay official o sa pulis na magbabantay sa kalsada o daanan ay puwede na at hindi na sila kukuwestiyunin pa.

“Maski ID na lang po ang ipakita noh? Kamukha po ng dati noong ECQ. Maski ID lang, puwede na po,” ani Abalos.
Sinabi pa niya na hindi na kailangan na magpakita pa ng Certificate of Employment (CoE). (CHRISTIAN DALE)

201

Related posts

Leave a Comment