UMABOT sa 152 pasaway ang nadakip ng mga awtoridad sa ipinatutupad na hard lockdown mula Biyernes ng gabi hanggan Sabado ng gabi sa Sampaloc, Manila.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng Manila Police District Sampaloc Police Station 4, nasa 32 ang dinala sa Brgy. 463 covered court sa Paredes Street; 36 sa Brgy. 581 covered court sa Manga Street; 53 sa Brgy. 420 covered court sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at A.H. Lacson Street, habang siyam naman sa Brgy. 424 sa Nuguid Street.
Nabatid na ang mga inaresto ay lumabag sa curfew hours at nakita sa kalsada habang umiiral ang 48-hours lockdown.
Samantala, mahigit 1,000 residente ng Sampaloc ang nasuri para sa COVID 19.
Ilang nagpositibo sa virus ang dinala sa Ninoy Aquino Quarantine facility para gamutin.
Ipinairal ang 48-hours hard lockdown sa Sampaloc na 192 barangay ang nasasakupan. (RENE CRISOSTOMO)
231 