2 baka tinangkang itawid sa ilog MAGSASAKA TINANGAY NG AGOS SA BENGUET

NATAGPUAN na ang nawawalang bangkay ng isang lalaki na tinangay ng agos nang tangkain niyang itawid sa kabila ng ilog ang dalawang alagang baka sa lalawigan ng Benguet, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ng Benguet PNP ang biktimang si Mateo Dal-it, 46-anyos, natagpuan ang bangkay matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation sa Bakun River sa Barangay Poblacion, Bakun.

Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong Miyerkules, Agosto 17, nang i-report ang umano’y pagkalunod ng biktima.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP, sinubukang itawid ni Dal-it sa ilog ang dalawang baka nang tangayin siya ng malakas na agos ng tubig.

Pagkaraan ay nakita ang kanyang bangkay, 150 metro ang layo mula sa lugar kung saan siya tinangay ng agos ng tubig. (JESSE KABEL)

135

Related posts

Leave a Comment